21

682 33 0
                                    

CHAPTER 21

"It is." Humakbang ito palapit sa kanya. Ikinulong nito ang kanyang mukha sa dalawang
palad nito pagkatapos. Bago pa niya maitulak ito ay siniil na siya nito ng halik sa mga labi.
Matamis at mapusok iyon--- dahilan upang mawalan siya sa kanyang katinuan at tinugon ang
mag halik nito.
Hindi na niya namalayan ang mga sumunod pang pangyayari. Natagpuan nalamang niyang nasa
ilalim siya ng matipunong katawan ng hubad baro na si Edward habang yakap-yakap siya at
sinisiil ng halik.
DALAWANG araw na ang nakalipas mula nang may mangyari sa kanila. Simula noon
ay iniiwasan na niya si Edward. Sa tuwing nilalapitan siya nito ay agad naman siyang lumalayo.
Pag kinakausap o kaya ay tinatanong siya nito ng bagay-bagay ay tipid lang ang sagot niya.
Hindi lingid sa kaalaman niya na nasasaktan ito sa mga ginagawa niya.
Ngayon nga ay nasa kanyang silid siya dahil ayaw niyang makita ito.
"Edward, darling!" sabi ng isang boses babae. Kumunot ang noo niya, di kaya ay
namamaligno siya? Pero ng may kumatok sa kanyang pinto at tinawag ulit ang pangalan ni Edward ay nakumpirma niyang hindi lang silang dalawa ng loko ang nasa villa.
Tumayo siya at pinuntahan ang pinto upang buksan. Pagbukas niya ay agad tumambad sa
kanya ang isang matangkad na babae na may napakaamong mukha. Mas mataas ito ng isang
dangkal sa kanya, pero sa hula niya ay magkasing-edad lang sila nito. Ang gaganda ng mga mata
nito na maitim na maitim. Malalantik ang mga pilik-mata nito na mas lalo pang nagpapagandang
tignan sa mga mata nito. Nang mapadako ang tingin niya sa katawan nito ay parang nanliit siya--
- mas sexy ito sa kanya at mas malusog ang mga dibdib.
"Who are you?" nakakunot-noong tanong nito. Sasagot pa sana siya nang may magsalita
sa kanilang likuran na agad nagpabaling sa kanilang mga tingin.
"Rita! What are you doing here?" nagtatakang sabi ni Edward.

"Edward!" sigaw ng babaeng nagngangalang 'Rita' at mabilis na sinugod ng yakap ang
lalaki.
"Kamusta ka na?" kapag-kuwan ay tanong nito.
"I'm fine," nakangiting sagot ng lalaki. Tumikhim siya dahil ayaw niya ang eksenang
nakikita niya ngayon. Masakit sa mata. Agad namang humiwalay ang lalaki mula sa pagkakayap
dito ni Rita. "Oh, by the way Rita, meet my best friend maymay. Maymay, ito naman si Rita, a
special friend." pagpapakilala nito sa kanila. Parang may naramdaman siya na kumukurot sa
kanyang puso. Best friend lang? 'Ano ka ba maymay! Eh best friend ka lang naman niyan eh. Kahit
may nangyari sa inyo, hindi iyon nangangahulugan na mag-on na kayo. Naniwala ka kaagad na
mahal ka ni Edward. Ang gagz mo! Ito na nga oh, yung special friend niya.' sumbat ng utak niya.
"Hello! Nice meeting you, maymay. Salamat sa pag-aalaga mo dito kay Edward, habang wala
ako ah? Alam mo kasi this guy can’t live alone without a single help from me. Ako nga pala si
RITA GAVIOLA" nakangiting sabi ni Rita at inalahad ang kamay sa kanya.
Pilit siyang ngumiti at tinanggap ang kamay nito. "N-nice to meet you too, I'm MARYDALE ENTRATA. Sige na ah, may gagawin pa kasi ako." pagkakaila niya. Sa totoo ay wala naman
talaga siyang gagawin, ayaw lang niyang makita si Edward kasama ang ibang babae. Pumasok na
ulit siya sa loob ng kwarto niya. Narinig niya ang tawanan ng dalawa mula sa labas. Hindi niya
napigilang umiyak, parang pinipiga ang puso niya sa mga sandaling iyon.

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon