12

852 40 0
                                    

CHAPTER 12

"O HUWAG mong sabihin na namiss mo agad ako. Ilang minuto lang naman tayong
naghiwalay ah." panimula ni Edward nang makita si maymay mula sa likuran niya. Kakatapos lang ng
pag-uusap nila sa kanyang ama tungkol sa pansamantalang pamamalakad ng kompanyang itinayo
niya. Pumayag naman ito kahit na matagal na itong nagretiro.Inirapan siya nito.
"Huwag ka ngang feeling diyan ang kapal ng mukha nito. Sipain kita diyan eh"
"Hindi ko alam na kabayo ka na pala ngayon, maymay?" pang-iinis niya dito. Kahit dapat
niyang tratuhin ito ng puro magaganda dahil gusto niyang magustuhan siya nito. 'Yun bang mag
ka-pogi points siya dito. Pero hindi mapigil ni Edward ang sariling hindi matuwa sa pang-iinis sa
dalaga. Sa paningin niya’y lalo itong gumaganda sa tuwing nagagalit ito.
Tinignan siya nito ng masama. Kitang-kita niya sa mga mata nito na gusto talaga siyang
sipain. Hindi lang iyon kitang-kita niya din ang pagnanais nito na sampalin at tadyakan din siya.
Nang akmang lalapitan siya nito ay tumakbo agad siya palayo.
"Hoy! Higanteng tipaklong, bumalik ka rito!" narinig niyang sigaw nito. Pumihit siya
paharap dito.
"Bleeh. Ayaw ko nga, alam ko na ang plano mo nuh."
"Edwardooooooo! Pagnahuli kita, lagot ka talaga!"
At ang dalawang matanda, bumalik sa pagkabata. Halos malibot na nga ang buong bahay.
Takbo dito, takbo doon ang drama ng dalawa.
Inis na inis na talaga si maymay. Kanina pa siya habol ng habol sa higanteng tipaklong na
'yon pero hindi pa rin niya ito mahuli-huli. Sa tuwing malapit na siya dito, doon naman ito
pumipihit ng takbo. Ang bilis talagang nitong tumakbo. Nasapo niya ang kanyang noo. "Abay
oo! Basketball player pala ang ungas!" naibulong niya sa kanyang sarili.

"O ano na? Bakit ang kupad yata ng kabayo? Ano ba naman yan!" pang-iinis na naman
nito sa kanya. Nag-pantig ang kanyang pandinig. At ramdam niya na tila tumaas ang blood
pressure niya sa sinabi nito. Hinubad niya ang kanyang heels at pinunit ang kanyang damit
hanggang tuhod. Masyado kasi itong sagabal sa kanyang pagtakbo. Pagkatapos ay agad niyang
hinabol ulit ang binata.
Laking tuwa niya nang sa wakas ay nahuli na rin niya ito. Nahawakan niya ang dulo ng
manggas ng pulo nito at buong lakas na pinaharap ito. Ngunit nang dahil sa ginawa niya ay na
out balanced tuloy silang dalawa na sanhi ng pagbagsak nila pareho sa sahig at di sinasadyang
naglapat ang mga labi nila. Nanlaki ang mga mata ni maymay samantalang ang loko-loko mukhang
nasisiyahan pa yata sa nangyayari. Naramdaman ni maymay ang tila kuryenteng dumadaloy sa
kanyang katawan. Mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa.
Maymay! What the hell happened to you! sita ng isip niya. Parang napapasong dali-dali
siyang tumayo. Inilahad niya ang kamay dito at muli na namang tila may kuryente siyang
naramdaman.
"Oy! Natulala ka yata. Alam ko, alam ko... gwapo ako, kaya---" ang kapal talaga ng
mukha! Ang kanyang pagkatulala ay napalitan ng inis dahil sa tinuran ng higanteng tipaklong.
"Ouch! Ouch! Ouch! Maymay, tama na." daing nito. Pinagkukurot niya kasi ito.
"Tama lang yan sa'yo ang hangin mo kasi!" aniya na patuloy pa rin sa pagkukurot dito.
Nang may naalala siya ay tumigil na siya sa pagkukurot. "Ah nga pala ano susuotin ko habang
nandito ako?"
"Uhm nasa aparador ng kwartong tinulugan mo kanina. Nandoon na lahat yung damit
pambahay, pangtulog mo at---" isang pilyong ngiti ang pinakawalan nito. Bigla siyang namula,
alam na niya kung ano ang idudugtong nito.

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon