34

721 31 1
                                    

CHAPTER 34

"Sorry na nga."
"Halika nga dito," at niyakap siya. "Okay na 'yon ang mahalaga ay ligtas kayo ng mga
anak natin at buhay na buhay." at hinalikan siya nito sa noo.
GINANAP ang kanilang engrandeng kasal sa Isla Steva Hersan. Ang isla na puno ng
kanilang mga masasayang alaala, sa lugar na kung saan sila muling naging magkaibigan at nabuo
ang kanilang magiging supling. Sa may baybayin sila... naroon ang kanilang mga kaibigan,
kapamilya, at kapuso... lahat nakaputi.
Ang saya-saya niya habang naglalakad sa kulay puti na de-carpeted na buhanginan.
Kitang-kita niya si Edward, ang kanyang groom na naghihintay sa may altar. Gwapong-gwapo ito
sa suot na kulay puti na polo, nakabukas ang dalawang butones dahilan upang malantad ang
dibdib nito. Hunk na hunk, yummy! 'Mag hunos dili ka maymay! Hindi pa nga natatapos ang kasal,
honeymoon na agad ang iniisip mo." sita ng isip niya.
Narinig sa paligid ang malamyos na mga tinig ng mga singer na sina CORA at RITA...
dinuduet ang kantang Sayo Lamang ng MYMP. Nang malapit na siya sa altar ay di-sinasadyang
natapilok siya na sanhi ng pagkatumba niya, syempre came to the rescue naman ang kanyang
prince charming. Patakbong nilapitan siya nito at inalayan patayo. Imbes na mahiya dahil sa
nangyari ay kinilig pa ang loka. Sabay silang dalawa na nagpunta sa altar. From there, hindi na
niya matandaan ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Namalayan na lang niya na
nagpapalakpakan ang mga tao at nagsisigawan ng: "Kiss! Kiss!"
"Well, I just pronounced you man and wife. You may now kiss your beautiful bride,
Edward. What are you waiting for?" nakangiting wika ng paring nagkasal sa kanila.
Binulungan muna siya nito. "You look very beautiful, my dear wife. I LOVE YOU."
wika nito, sinabi din niya ang three magical words at hinalikan na siya nito.

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon