23

659 34 0
                                    

CHAPTER 23

Malaya siyang nakalabas ng bahay ng walang sagabal. Simula ng hindi niya tangkaing
tumakas ay naging maluwang na si Edward sa kanya. Nakalabas siya sa bakod ng villa na pa ring
humaharang sa kanya. Ngayo'y palapit na siya sa lantsa. Naroon ang matandang lalaking nakita
niya kanina. Gising pa rin ito at nagbabasa ng libro habang nagkakape.
Nagulat ito ng makita siya. "Ineng, dis-oras na ng gabi ano pang ginagawa mo dito sa
labas?" gulat na gulat na tanong nito
"Manong, pwede po bang ihatid niyo ako sa bayan?"
"Nakow, hindi pwede Ineng baka magalit sa akin si senyorita Rita at senyorito Edward"
kakamot-kamot sa ulong turan nito.
"Hindi naman po nila malalaman. Babalik po tayo agad. May kailangan lang po akong
tawagan. Importante lang po." muli niyang paki-usap rito. "babayaran ko na lang po kayo"
dagdag pa niya. Baka sakaling kumagat ito.
"May telepono naman sa loob hindi ba?" maang na tanong nito. Tila nagdududa.
"Sira po kasi e. Importante po talaga itong tawag na ito."
Sandaling nag-isip ang matanda. Maya-maya pa'y pumayag na rin ito.
Halos kalahating oras silang bumiyahe. Sori manong pero kailangan ko po talagang
maka-alis. Nang makarating sa pamapang ay dali-dali siyang bumaba ng lantsa saka walang
lingon likod na kumaripas ng takbo. Hindi niya pinansin ang sigaw ng matanda. Ni hindi na niya
nagawang magpa-salamat dito. Ang tanging nasa isip niya ay makatakas.
Dahil matanda na ay hinihingal na hinabol na lamang siya nito ng tanaw.
PAGDATING sa Hi-way ay may nakita siyang naka-park na mini van. Lakas loob na
lumapit siya sa babaeng natayo malapit dito.
“Excuse me po” magalang niyang pukaw sa atensyon nito.
“Yes?” mukha naman itong mabait kaya okay lang sigurong maki sakay.
“Papunta ho ba kayo ng Maynila?” Tumaas ang kilay nito at hinagod siya ng tingin bago
sumagot sa tanong niya, “OO, makikisabay ka ba?” diretsahang tanong nito.
“Nakakahiya man po pero oho sana” ngumiti ito sa kanya saka tumango kaya napangiti
na rin siya.
“Mukha ka namang mabait kaya okay lang,” sabi nito. “hintayin na lang natin ang asawa
ko. May binili lang siya sandali. Ako nga pala si Aura” tinanggap niya ang nakalahad na kamay
nito.
Magaan na ang loob niya. Makakahinga na siya ng maluwang kapag nakarating na sila
ng Maynila. Sa ngayon ay kailangan niya munang magtiwala kay Aura.
Buo na ang plano niyang bumalik sa Europa. The moment na maka-uwi siya ng bahay ay
magpapabook agad siya ng flight. ‘Kailangan kong muling lumayo sayo, Edward’ bulong niya sa
utak.
Boses ni Aura ang nagpabalik sa himbing niyang utak. “maymay, this is my husband, Wil.
Wil si maymay, makikisabay sana sa atin papuntang Maynila. Okay lang ba?” matamis itong
ngumiti sa asawa.
“Sure. No problem about that. So, let’s go?” mukhang mabait din ito tulad ni Aura.
Bagay na bagay sila. Nakaramdam siya ng konting inggit pero dagli niya ring winaksi sa utak
niya.
“Shall we?” muling tanong ni Wil. Tumango nalamang siya at lumulan sa sasakyan.

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon