25

652 34 1
                                    

CHAPTER 25

"Maraming salamat sa paghatid ninyo sa akin, Wil at Aura. Sigurado ba kayong ayaw
niyong pumasok sa loob ng bahay para mag-agahan?" tanong niya nang makababa mula sa mini-
van ng mga to. Ngayon nga ay nasa harapan na siya sa main door ng kanilang bahay.
"Oo, maymay. Doon na lang kami mag-aagahan sa bahay. Baka hinahanap na kasi kami ng
mga anak namin. Salamat nalang sa paanyaya," nakangiting sagot ni Wil. Nagpaalam na sila sa
isa't isa, pagkatapos ay pumasok na sa loob.
"O, maymay. Napaaga ka yata ng balik? Di'ba next week pa raw ang balik mo sabi ni Fenech
at kisses?" agad na bungad sa kanya ni Aling Baninay pagkapasok pa lang sa loob ng bahay.
"Kailangan ko na po kasing bumalik sa Europe, may problema raw po sa eskwelahan eh,"
pagsisinungaling niya. "Tawagan niyo na po ang airport at ipa-book ako ng flight papuntang
Europe na ngayong umaga ang alis," dugtong niya.
"Sige. Mag-agahan ka muna, ipapahanda kita ng almusal kay Doling," sabi nito na ang
tinutukoy ay ang head chef nila.
TANGHALI ng nagising si Edward dahil matagal siyang nakatulog kagabi sa kakaisip
kay maymay. Pagkatayo ay agad siyang naligo at nag-agahan.
Paglabas niya ng main door ay agad niyang nakita ang isang chopper. Sa may pinto nito
ay nakasandig ang nakangiting si Rita. "Hey there sleeping head! Pinapunta ko na dito ang
chopper ko para mas madali tayong makaabot sa Manila. Ang tagal mo kasing magising eh,
bilisan mo na diyan at 'wag ng tumanganga para mahabol na natin si maymay," sabi nito.
Tumakbo siya tungo sa naghihintay na chopper. "Thank you Rita. Your a life saver,"
wika niya dito at saka nakangiting niyakap ito.
"Walang anuman, anything for you. Let's go na po," baling nito sa piloto ng chopper.

Nagring ang cellphone niya. Nang makita ang pangalan ni fenech sa screen ay bigla
siyang kinabahan ng hindi niya mawari. "Hello?"
"Hello Edward? Nasaan ka?" panimula nito na may pag-aalala at pagpapanic sa boses.
"I'm almost there at Manila. Is there something wrong Fenech? Bakit ka nagpapanic?"
sunod-sunod na tanong niya.
"Si... si" kapos ang hininga na sabi nito. Narinig na lang niya ang mga boses ng mga tao
na nagsasabing tumawag ng ambulansiya. Naghung-up na ito sa kabilang linya.
Nang makatapak na ang chopper sa lupa ay mabilis niyang pinuntahan ang kinaroroonan
ng mga kaibigan. Tinawagan niya kanina si Aizan ng maghung-up ang nobya nito sa telepono at
sinabi naman nito ang kinaroroonan ng mga ito.
"AIZAN," tawag niya sa nakatalikod na kaibigan. Lumingon ito at nakita niya ang
malungkot nitong mukha. Ang naramdamang kaba at takot kanina ay mas lalong lumaki sa
nakitang ekspresyon sa mukha nito.
"Come, follow me" paos na sabi nito sa kanya. Malungkot na naglakad na ito papunta sa
karagatan at siya ay takang sumunod lang dito.
"We're here" mahinang wika nito. Pagtingin niya sa paligid ay may sunog na mga
bangkay at mga taong nag-iiyakan siyang nakita. Nag-aalalang lumingon siya sa kaibigan at
walang kabuhay-buhay na itinuro nito ang bandang kaliwa.
Sinundan ng kanyang tingin ang itinuro nito at napasinghap siya sa nakita. Nakita niya si
Kisses na umiiyak sa isang katabing bangkay. "Best! Bakit mo kami iniwan? Bakit!" hindi na
sigaw nito. Humagulhol na ito ng iyak. Nagpupumiglas ito ng pilit itong pinatatayo ng isang
lalaking pamilyar sa kanya. He shook his head hard, hindi maaari 'tong iniisip niya. It can't be!

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon