1

1.3K 55 1
                                    

BEAUTY AND THE BEAST

CHAPTER 1

27 YEARS old na si MayMay ngunit malinaw na malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang mga
taong lumipas. Isang nakalipas na masalimuot at nakakalungkot. Naroon pa rin sa kanyang isipan
ang mga pang-iinsulto, pangmamaliit, at masasakit na mga salita na binitiwan sa kanya dahil
lamang sa kanyang hitsura.
Hindi niya maiwasang mapaluha sa tuwing naaalala ang pagtrato sa kanya ng mga tao, na
para bang may nakakahawa siyang sakit na iniiwasan ng mga ito. Mabuti na lamang at nakatagpo
siya ng mabubuti at tunay na mga kaibigan sa katauhan nila Kisses at Fenech.
Sila fenech at kisses ay magkababata at parehong sikat sa paaralan dahil sa taglay na
maaamong mukha, katalinuhan, at angking talento. Noong una ay akala niya katulad lang ang
mga ito sa iba na masusungit, mapanghusga at masasama ang ugali na kadalasang nakikita niya
sa may mga magagandang mukha pero nagkamali siya dahil naging kabaliktaran iyon sa
kanyang inaakala at napatunayan niya iyon sa isang pangyayari...
"Hey, here comes the ugly duckling--- oh sorry! What I mean is the beast" madiin na sabi
ng isang babae na seninyasan pa ang isa pang babae. Halatang may gagawin na hindi kaaya-
aya.
Nakayukong naglalakad ang labing-limang taong si MayMay sa hallway. Katulad ng dati sa
tuwing napapadaan siya ay naririnig niya ang mga ma-aanghang na salita tungkol sa kanyang
hitsura.
"Ouch!" daing niya nang madapa siya mula sa pagkakapatid.
Tinawanan siya ng mga tao na naroon dahil sa naging ekspresyon ng kanyang mukha.
Lumapit ang dalawang magagandang babaeng may kagagawan ng kanyang pagkakapatid.
They're laughing evily while intently looking at here helpless position on the floor. Sa paningin
niya ay tila nagkaroon ng sungay ang mga mala-anghel na mukha ng dalawa.

"Oops!" sabay takip sa bibig. "Sorry, I thought I saw a walking rug eh" wika ng isa na
nagngangalang Kristin.
Tumawa pa ng mas malakas si heaven. "Your right nga sis e, she's like a walking rug---
a fatty, ugly, dirty one" tinignan siya nito mula sa pagkakaupo sa sahig. "Just look at that fats
and that ugly oily face, full of pimples and with a thick glasses pa that look like from decades
ago" marahan ngunit madiin na sabi nito. Iniyuko nalang ni MayMay ang ulo dahil in any minute
iiyak na siya at ayaw niyang makita ng mga ito ang kanyang umiiyak na mukha dahil baka lalo
lamang siyang insultuhin ng mga ito.
"Yeah" pinameywangan siya ni Kristin at inalapit ang mukha "Way, way disgusting!"
"Eew!" sabay na wika ng dalawa na nag-appear pa at nagtawanan.
"You don't belong in this school ‘cause you’re so ugly! You know, your just ruining the
name of this---" naputol ang sasabihin ni Heaven nang may magsalita mula sa kanilang likuran.
"If there's any ugly here, its you two! Can you two please have at least some manners!"
Pagkarinig nila nun ay sabay silang napalingon sa bagong dating. "FENECH!" sabay na
wika ng dalawang babae.
"Oh, so it’s the Jimenez siblings. I was wondering who are making a big fuss here and
turned out the two of you whom by any means are heartless unmannered beings.” she paused
and did a quoting sign "bullying and saying harsh words. I should have known its you two
because both of you have bad stinky attitudes!" sita ni Fenech sa dalawa.
"Stay out of this Fenech---"naputol na naman ang sasabihin ni Heaven nang dumating si
Kisses, ang president ng Student Council.
"What's happening here?" aniya.

Gusto niyo ba isabay kona sa COLLEGE ROYALTIES Story.

#Selosa

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon