20

715 35 2
                                    

CHAPTER 20

"Don't try to explain dahil hindi naman kita papakinggan at paniniwalaan," sabat nito.
Nakita niyang tumulo ang mga luha mula sa mga abuhing mata nito. "Alam mo ba kung ano ang
nangyari nang pumunta ako sa Europe, huh? I was caught in a tremendous traumatic state,
Edward! Halos isang buwan rin akong nagkulong sa kwarto... laging umiiyak at takot lumabas.
I'm scared that people who would see my face will just judge me the way you did. Dahil alam
kung walang lugar sa mundong ito ang isang beast na katulad ko! Kahit sina mama at papa ayaw
kong makita dahil batid kong isa rin sila sa mga taong iyon."
Naiiyak na rin si Edward. Gusto niyang suntukin ang kanyang sarili. Hindi niya inakala na
nasaktan niya ito ng sobra, na hindi lang pala siya ang nagdurusa sa mga panahong nawala ito sa
piling niya. Nagkaroon ito ng isang malaking sugat sa puso dahil sa kanya. If only he could turn
back time, he wouldn't have said those awful things... if only.
"I'm sorry if I have caused you so much pain. Believe me May, what I said at that time
were all lies. I have loved you ever since. Your looks didn't matter to me," itinuro niya ang puso
nito, "You have a good heart, that's why I fell in love with you and good looks weren’t important
for someone who is truly in love."
Pero sadyang sarado na ang isip nito, dahil tuluyan nang naghari ang poot at galit nito sa
kanya. Tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad papunta sa loob ng bahay.
"MAY!" tawag niya dito. Kailangan niyang sumugal alam niyang dahil sa gagawin niyang
ito ay may posibilidad na tuluyan na siyang kasusuklaman nito o kaya naman ay malaman niya
mismo dito kung ano talaga ang nararamdaman nito sa kanya.
Huminto naman ito at lumingon. "What?" galit na sagot nito.
Paglingon ni maymay ay nakita niyang nasa may gilid ng pool si Edward. "Marunong ka bang
lumangoy?" seryosong tanong nito sa kanya.

Nagdikit ang kanyang mga kilay sa tinuran nito. Kahit naman siguro bata ay marunong
lumangoy, siya pa kaya? "Oo, Why?" sabi niya sa galit na boses pa rin.
"Ako, hindi eh" sabi nito at parang tangang nagpatihulog sa pool. Sino naman ang inuuto
nito? Naging member kaya ito ng swimming club noong elementary ito. Pinagsaklop niya ang
mga braso at pumunta malapit sa pool.
Lumipas ang isang oras, hindi pa rin umaahon ito sa tubig. Ang malaking katawan nito ay
nakalutang pa rin. Nagsimula na siyang mangamba. Nagpapanic na siya at ang galit na mukha
kanina ay napalitan ng pag-aalala.
"Hoy, Edward! 'Wag ka namang magbiro ng ganyan oh!" hysterical na sabi niya. Nang
hindi pa rin ito gumagalaw ay nagpasya siyang lumusong na upang sagapin ito.
"Edward!" sigaw niya, nang maahon na niya ito sa tubig at naihiga sa gilid ng pool. Hindi
ito sumagot kaya wala na siyang magawa kundi i-mouth-to-mouth-recitation ito.
Kumuyom ang kaliwang kamao niya ng gumalaw ang mga labi nito. Ang walang hiya,
hinahalikan na siya. Agad siyang tumayo nang maramdaman ang bolta-boltaheng kuryenteng
unti-unting gumagapang sa kanyang katawan.
"You don't really hate me, MAY. You're just avoiding me because you're scared. Natatakot
kang baka ginagawa ko ito dahil maganda ka na ngayon. But MAY, tulad ng sinabi ko, minahal na
kita noon pa kahit ganun ang hitsura mo."
"What are you talking about?" pagmamaang-maangan niya. Hindi niya mapigilan ang
pag-iinit ng mga pisngi sa mga sinabi nito.
"Huwag ka ng magkaila, yam, or else I'll shut you up with a kiss. You don't know how
much I yearn to taste your lips again."
"It is not!" malakas na tanggi niya.

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon