24

636 34 0
                                    

CHAPTER 24

"Anong sabi niyo po? N-nakatakas si maymay?" pag-uulit ni Edward sa sinabi sa kanya ni
Mang jise na nakatakas raw umano si maymay sa pamamagitan nito. Paano niya gagawin yung
binabalak niya?
"Mang jise naman eh! Bakit naman po kayo pumayag? 'Di niyo man lang ba naisip
na may balak na tumakas si maymay?" may halong inis na sumbat ni Rita sa matanda.
"Pasensiya na po, senyorita, senyorito. Ang sabi kasi niya may importante raw siyang
tatawagan kaya pumayag po ako. Hindi ko naman po inakala na tatakas siya," nakayukong sabi
ng matanda.
"At nagpauto ka naman!"
"RITA, stop it. Wala na naman tayong magagawa eh, nangyari na. Hindi makakatulong
sa atin iyang init ng ulo mo at kakasermon kay Mang jise," sabat niya.
"Ay ewan!" inis na itinaas ng babae ang dalawang kamay bilang pagsuko.
"Bahala kayo diyan basta ako matutulog na ulit!" pagkasabi nito ay nagwalk-out na ito at
bumalik sa kwarto nito. Pailing-iling lamang siya habang hinahatid ng tingin ang papalayong
dalaga.
"Sorry po talaga senyorito Edward."
Binalingan niya ang matanda at nginitian. "Okay na po iyon. Nangyari na eh, wala ng
magagawa kung papagalitan ko pa po kayo. Matulog na po kayo, maaga pa tayo aalis bukas.
Pagpasensiyahan niyo na lang po si Rita, may dalaw siguro kaya ganoon ka taray at kainit ang
ulo."

SAMANTALA, si maymay naman ay masayang nakikipagkwentuhan sa mag-asawang Aura
at Wil.
"Talaga? Since bata pa kayo magkakilala? Ilang taon kayong naging mag-on at saka ilang
taon na kayong kasal?" manghang tanong ni maymay.
"Ang dami mong tanong ah" sabay na wika ng mag-asawa habang patawa-tawa.
"Isa-isa lang," sabay na namang sabi ng dalawa. Nagkatinginan ang mga ito at sabay ding
tumawa. Nakakahawa ang tawa ng dalawa kaya natawa na din siya.
"Oo, magkababata kami. Mga 4 years rin kaming mag-on at 6 years ng kasal," sagot ni
Wil sa mga tanong niya.
"10 years na kaming nagsasama. My 10 years of torture and suffering," natatawang sabat
ni Aura.
"Ah ganun pala ah. Mamaya ka lang, makikita mo kung ano talaga ang torture," tugon ng
lalaki na may nakaplaster pang nakakalokong ngiti. Tumahimik naman ang katabi nito at
namumula ang mga pisngi na ibinaling ang tingin sa bintana.
-PATLANG-
Nakatulog si maymay sa sobrang kapaguran. Ngayon niya naramdaman ang pagod sa
kakaiyak kanina at doon sa ginawa niyang pagtakas.
Kinabukasan...
"Maymay, wake up! We're here already at Manila. Saan ang bahay niyo ? Ihahatid ka na
namin doon," bungad sa kanya ni Aura. Sinabi niya dito ang address ng kanilang tirahan sa
Quezon city.

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon