Chapter 15

69 6 0
                                    

Chapter 15

Gone


MARCO

Matapos namin marinig ang isang alarm ay kasunod noon ay isang announcement na hindi namin alam kung ibigsabihin. Mula sa white walls ay napapalibutan kami ngayon ng pulang ilaw na hindi namin alam kung anong ibigsabihin. Nagtataka kami ni Gyllia kung anong outbreak ang tinutukoy nila pero para saan at may gano'n pa?

"Marco! Si Kathaleen!" nang tinuro ni Gyl si Kathaleen na duguan sa sahig ay halos magulat na lamang kami ng unti unti itong naglalaho.

"Anong nangyayari?" usal ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Sa oras nang lumapit kami sa katawan ni Kathaleen ay wala na ito doon. Kung ano ano ang tumatakbo sa isipan namin kung bakit bigla na lang nawala si Kathaleen.

Hindi siya maaring katulad ng mga kaibigan namin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari pero sana malaman namin sa huli kung anong mga hindi mapaliwanag ang nasasaksihan namin ngayon.

Muli naming binalikan ang ginagawa namin kanina para makatakas kami. Pero kahit anong gawin namin ay wala rin namang mangyayari. Nawawalan lang ako ng lakas kapag pinipilit ko ang sarili kong ayusin ang mga bagay na imposible naman na mangyari.

"Hindi ko na alam, Marco..." naupo na lamang sa isang tabi si Gyllia at umiiyak. "Ayoko na..."

"Hindi Gyl, 'wag kang susuko..."

"If there's a chance to save you, I will do it for you." aniko.

Napatingala naman ang kanyang ulo at naningkit ang mga mata sa akin, "'wag mong gagawin 'yan Marco. We'll end this together, kung may mangyari man sa ating dalawa. 'Wag kang magpapadala, 'wag mong hayaang matalo tayo dito."

"Okay, Gyl." I hugged, "you have my word."

Hinayaan ko muna si Gyllia na magpahinga habang pinagpatuloy ko naman ang pagsira sa pintuan. Kahit anong gawin kong pagpapalakol ay hindi tumatagos sa kabila ang mga ginagawa ko. Ayokong sumuko na lang dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag dito mismo, natalo ako sa laban.

"Marco..."

"Why Gyl?"

Nang balingan ko naman siya ay nakahawak na siya sa ulo niya. Tinigil ko naman ang ginagawa ko at nilapitan siya.

"Ang sakit ng ulo ko." aniya. "Marco! Ang sakit!"

"Hey, Gyl, kalma ka lang." pero hindi pa rin natitigil si Gyllia sa paghahalumpasay dahil sa nararamdaman niya. "Gyllia! Listen!"

Isang malakas na sigaw lang ang ginawa niya at pinagtatadyakan niya ako palayo. Hindi ko maintindihan si Gyllia. Gusto ko siyang tulungan pero siya mismo ang tumataboy sa akin. Ilang saglit lamang ay huminto siya sa paghahalumpasay at tanging hikbi na lamang nito ang naririnig ko mula sa kanya. Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya. Nang hahawakan ko naman ang kanyang kamay ay biglang tumingala ang kanyang ulo at diretsyo ang mga tingin sa akin. Una ko kaagad napansin ang ay pag-iba ng kulay ng kanyang mga mata.

"Gyl?"

Agad naman akong inambahan nito. Pumaibabaw naman si Gyllia sa akin, hawak hawak ko ang dalawa niyang kamay ay pinipigilan ko siyang tuluyang makalapit sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya pero tiyak na may kinalaman ang kaninang alarm outbreak dito.

Tracheon: Master PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon