Chapter 8

47 6 0
                                    

Chapter 8

Failed


MARCO

Meeting at the place where we should be together as one. That was the plan, and now tell me, sinong hindi pwede mainis sa naging pag-uusap namin nila Erense? Siguro nga ginamit lang nila ako para maging distraction para matungo nila ang town na ito. I shouldn't trust them but not because of them, we couldn't be here. Shit! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"We should rest for now, Marco." Ani Gyllia, "pagod ka na, we need our energy on the first light tomorrow. Kung uubusin natin ang energy natin ngayon, we couldn't make it."

I sighed on her, "we should find a house, so we could stay."

"Alright!" ngiti ko pa sa kanya, "this way!"

She led the way to where we will stay. I smile to the thought I did a while ago. I just missed her, siguro nga kahit anong gawin ay hindi na talaga maaalis sa akin ang pag-aalala sa kanya. Our relationship didn't last long pero masasabi ko namang may worth ang naging kami noon.

"Hey, Marco, tulala lang gano'n?" she chuckles.

I pinch her cheeks, "you want it again?"

"Ha?" namilog na lang ang bibig niya sa sinabi ko kaya naman binalik niya ang atensyon namin sa paghahanap ng matutuluyan. "Dito, ayun!" turo ni Gyllia ng may makita kaming mga kabahayan, mukhang abandonado naman kaya pwede na sigurong magpalipas kami ng oras doon.

Nang makalapit kami sa isang bahay ay sinilip ko muna sa bintana kung may tao sa loob. Madilim at mukhang wala ngang tao.

"Marco!" napatingin naman ako kay Gyllia nang makita kong nabuksan niya ang pinto ng bahay. "Tara na sa loob!"

Napangisi na lang din naman ako. Hindi talaga makatiis ang isang 'to. Sinundan ko naman siya papasok sa loob. She switch on the lights and we thought were lucky nang may mga kumislap mula sa kisame. Agad ko namang prinotektahan si Gyllia hanggat sa mawala ang sparks mula sa kisame.

I look at her mocking. She nudges me, rolling her eyes. I chuckles on her.

"Tara nga sa kitchen! Baka may pagkain 'don."

"They could be expired, Gyl."

"We hope it wasn't." she smiled at hinigit ako papunta sa kusina.

As we came to the kitchen, karamihan ng mga gamit doon ay kalat kalat na at ang iba naman ay iniwan na lang ng basta basta. Nakakapagtaka tuloy kung anong nangyari dito sa lugar na ito where in fact, mukhang sibilisado naman ito pero mukhang nagkaroon ng evacuation at ang lahat ng tao ay umalis.

Binuksan ko ang ilang kitchen cabinet, walang laman ang ilan doon. Nang buksan naman ni Gyllia ang refrigerator ay umalingasaw naman ang amoy bulok na pagkain. Nagmadali naman kaming maghanap ng makakain na hindi pa expired dahil hindi namin matiis ang amoy dito sa kusina.

Sa dulong cabinet ay may nakita akong chips, agad ko naman iyong sinuri kung lagpas na ba ito sa expiration date nito at siniswerte naman dahil isang taon pa ito bago masira. Dahil iyon lang din ang nakita namin ay tubig na lamang ang kinuha ni Gyllia. Napagpasyahan naman namin na sa kwarto na lamang kumain para diretsyo na rin ang tulog namin.

Kinain naman namin ang nakuha naming pagkain. Ayos na iyon para hindi kami malipasan ng gutom. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang tingnan si Gyllia. She doesn't deserve to suffer like this. This place won't need us but we need each other to survive.

Through the mansion, lies were the reason we begin to rule ourselves to see what the truth behind the lies and that is what we need right now. The truth of why they need us.

"Are you staring at me, Marco?" she cock her brow at me.

I immediately shook my head, "no? Why would I?"

"'Cause you are." Hagikgik pa nito, "I miss this Marco..."

Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya, napatitig na lang din naman ako. Having the thoughts of our past, I'm not going to blame her for what she caused to our relationship but she did it anyway. Ayoko nang isipin 'yon, kung magiging masaya man kami sa mga panahong ito. Then I'll go with flow... and if it's done, there's always a pace of moving on.

She tapped my shoulder, "I'm done, matutulog na ako."

I followed she moved to the bed, I sighed looking at her. I will get out us here, Gyllia. That's all I can promise.

Hinayaan ko naman si Gyllia na matulog sa kama at naglatag na lamang ako ng sapin sa sahig at naglagay ng unan. Kung may mag-iisip man ng iba na porque kaming dalawa lang ngayon ay sasamantalahin ko na ang pagkakataon, hindi ko naman magagawa kay Gyllia 'yon. Hindi man na kami, I still respect her.

In the middle of the night, nagising na lang ako ng biglang may tumakip sa bibig ko. Napadilat talaga ako sa ginawa ni Gyllia at nagsenyas itong huwag ako maingay at inalis ang kamay niya sa aking bibig.

I mouthed, "Anong meron?"

Tinuro naman niya ang tenga niya at natahimik kaming dalawa. "Rinig mo?"

Dahan dahan naman akong napatango sa kanya. Hindi ko sigurado kung anong meron kung bakit medyo maingay sa ibaba. Umakyat naman ang kaba sa aking dibdib at nagmadali naman si Gyllia na isarado ang pinto.

"Kailangan na nating umalis." Aniya.

"Madilim pa."

"Mas mabuti na iyon para hindi nila tayo makita."

Halos pabulong na ang aming salita. Sinilip ko naman ang bintana kung may madadaanan kami doon at posible naman dahil may fire exit ang bintana. Inalalayan ko naman si Gyllia na makababa at sumunod din naman ako sa kanya.

Nang tuluyan kaming makalapag sa sahig ay natigil naman kami ng biglang may isang sasakyan ang humarang sa amin. Mabilis na lumabas ang white suited guards at isang babaeng blonde at naka white coat ang sumunod sa mga iyon. Naka-mask ito kaya hindi namin makilala pero mukhang nasa middle aged palang ito.

"On knees!" sigaw ng isang guard.

Wala kaming nagawa ni Gyllia kundi ang sumunod pero ang kinagulat ko na lamang ay ang biglang paghigit nito sa akin at pagtangkang tumakbo. Hindi iyon natuloy dahil agad siyang binaril ng isang guard. Agad na bumagsak si Gyllia sa lupa nang walang malay.

Hindi naman ako makaalis sa kinapu-pwestuhan ko at gustong gusto ko siya lapitan. Nilagay sa stretcher si Gyllia at pinasok sa loob ng sasakyan, pinasok naman ako sa isang sasakyan pa.

I bowed my head, and didn't care if my tears were vulnerable. I failed to save her.

Tracheon: Master PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon