Chapter 16
Katotohanan
ERENSE
Gabi na nang magising ako, mabigat ang ulo ko at naupo ako panandalian para makuha ko ang timpla ng sistema ko. Tinanaw ko naman ang paligid ko at doon ko lang din naman naalala kung anong nangyari kung bakit din ako nakasalampak sa lupa. Agad naman akong napatayo at tumakbo, iyon nga lang ay hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi ko alam kung anong madadatnan ko dito.
Naalala ko matapos akong abutan ni Kage ay binaril ko siya. Kung hindi imahinasyon ang nakita ko ay totoo ngang naglaho siya na parang bula. May mali nga talaga dito, kailangan kong malaman iyon.
Nang makalabas ako sa isang eskinita ay niluwa ako sa isang malawak na circular space. Hindi ko alam kung anong meron dito pero sobrang lawak ng lugar na iyon. Sinubukan ko namang tahakin iyon. Napansin ko naman ang isang kakaibang tube sa pinakagitna ng open space na ito.
Pero bago ko pa man iyon marating ay biglang kumirot ang ulo ko. Napaluhod ako sa sobrang sakit, ni hindi ko nga magawang maidilat ang aking mga mata ng maayos dahil pumipintig ang ulo ko sa sobrang sakit.
Tuluyan naman akong bumagsak sa lupa, kung ano ano na ang tumatakbo sa isipan ko at hindi ko alam kung ano ang mga pangitaing iyon. Mas lalong nangingibabaw ang sakit sa ulo ko kapag may nakikita akong doctor mula sa isip ko. Hindi ko siya kilala! Sino ba siya at may kinalaman ba siya sa nangyayari sa akin ngayon?
"There's only one way to live..."some voices I heard, "kill them all."
"Erense... Erense..." a girl calling my name.
"Help!" a guy need a help. "Help me..."
"Give her more pain," when I heard a woman said that, I felt the ache in my head. "Do anything or the easiest thing to do, let her die."
Pinilit kong tumayo per bumagsak lang din ako sa ginawa ko. Mayamaya lamang ay may ilang paa ang papalapit sa akin. Animi yon kundi tatlo silang papalapit sa akin. Unti unti ko namang inangat ang tingin ko nang makilala ko kung sino ang mga iyon.
"Glad to see you again, Erense." Ngisi pa ni Stefen, pinsan ko. "You know how much I wanted to kill you and this time, I could do that."
"Easy Stefen," humarang naman si Cobert sa harapan niya. "We still need her."
"Stop the acting, Cobert." Umeksena naman si Vinea. "Gusto mo bang malaman Erense na hindi naman namin talaga kayo kailangan? We are here because we wanted you guys to suffer. We are dead because you did this to us."
"We didn't do anything, Vinea..."
"As a matter of fact, Erense. You have a choice so that you can live, you against us or just surrender yourself."
"I won't choose."
Lumapit naman si Cobert sa akin at sinipa ako sa aking tagiliran. Namilipit na lang din ako sa sakit. Hindi ko magawang lumaban dahil sa sakit ng ulo ko. Itinayo naman ako ni Cobert at ni Stefen at hinawakan ang magkabilang braso ko.
"You wouldn't know the truth, Erense." Ngisi pa ni Vinea.
"What's the truth?!" I scowled.
Pero hindi ako nito sinagot kundi sinikmuraan ako. Hindi siya nagpaawat at mas nagsasaya pa silang tatlo habang nakikita nilang nasasaktan ako. Hindi kalayuan ay lumitaw ang doctor, nakangiti lamang ito sa akin. Hindi ko alam kung anong pinapahiwatig niya. Alam kong hindi maganda iyon.
BINABASA MO ANG
Tracheon: Master Plan
Mystery / ThrillerThey were needed, to make the plan successful. A big change in the history of game. Will the six of them could figured out how to end the master plan created by the game master herself, Lucila Tracheon.