Chapter 9

54 6 0
                                    

Chapter 9

Nowhere to go


ERENSE

We thought the Town was abandoned then we found some patrolling people around the vicinity. Kathaleen and I don't have any choices to hide somewhere safe. We couldn't wait Marco any longer—hindi nga namin sure kung babalik pa ba siya but I know he will dahil malaki ang chance na makaka-survive dito.

We roam around the town, as we see the old buildings and abandoned houses. Malalaman mo rin naman talaga kung walang tao o meron ang isang bahay. Patago lamang kaming dalawa ni Kathaleen dahil baka mamaya ay may mga hidden camera's sa paligid at alam na pala nilang nandito kami at hinihintay na na lang nila ang kanilang action.

"Hindi ba natin sila babalikan?" tanong ni Kath sa akin.

I closed my eyes and shook my head, "we've gone so far Kathaleen and we still don't know if they make it. I leave some traces so they could know where they should go."

"Ano nang gagawin natin ngayon? Paano tayo makakalabas sa larong ito?" tanong muli niya.

Lumutang naman ang isip ko sa sinabi niya. Hanggang ngayon ay wala akong idea kung paano kami makakaalis sa lugar na ito. Kung noon sa mansion ay may alam ako kung paano makakatakas pero kakaiba ang isang 'to. Mukhang malayo kami sa mismong tinutuluyan namin dahil wala akong alam na lugar na malapit sa gubat.

"Gutom na ako, Erense." Aniya.

Napahinga naman ako ng malalim. Ramdam ko rin naman ang hinaing niya dahil nagugutom na rin ako pero dahil wala naman kaming mahanap na makakain. Inside the woods, meron mang mga hayop doon but they are not safe. Hindi na kami ligtas dito.

"Erense..."

"What?—"

Nagulat na lang ako ng bigla siyang mawalan ng malay. Mabuti na lamang ay nasalo ko kaagad ito. Dahan dahan ko naman itong binaba at pinatong ang ulo sa aking hita. Hindi na kinaya ni Kathaleen ang gutom. Niyuyogyog ko naman ito at hinihipan para bumalik sa kanyang malay.

"Kathaleen, wake up, we're not safe here outside." Patuloy ko namang tinatapik ang kanyang pisngi. "Get up, Kathaleen..."

She groans, opening her eyes but suddenly she looked at me in shock. Nagtaka naman ako sa reaksyon niya. Umayos ito sa kanyang pagkakaupo, nang tingnan ko naman ang direksyon kung saan siya nakatingin ay wala namang tao doon o kakaiba. Tiningnan ko muli si Kathaleen at nangingilid na ang mga luha niya.

"Kathaleen, are you okay?"

"Leave us alone!" sigaw ni Kathaleen at humagulgol na lang din naman ito. "You did this to us! You want us to die! You want—" agad ko namang niyakap si Kathaleen at kung ano ano na lang din ang binubulong nito na hindi ko naman maintindihan.

"They're going after us, Erense..." iyon lamang ang sinabi niyang naintindihan ko ng malinaw. "They're going to kill us, we must survive this... they only want one."

"Huh?" kunot noo ko pa dahil hindi ko maintindihan kung anong tinutukoy niya. "Explain it further, Kath."

"One shall survive, one shall be declared winner."

Fuck! This was still about the game. Bigla ko namang naalala ang mga sinabi sa akin noon bago ako magising sa lugar na ito. This is their master plan. This is their only way to declare one winner from the six of us. They want one and the remaining shall die.

"They're coming..." she said.

I cock my head to one side, "on what?"

"To us, Erense..."

Hindi talaga agad agad na pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi ni Kathaleen kaya naman hindi ko alam kung totoo ba 'yong sinasabi niya o hindi.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, niyugyog niya ako at nagsisigaw na kailangan na naming umalis dito at lumayo. Nataranta naman ako kaya naman agad ko rin siyang inalalayan na makatayo. Pero hindi ko inaasahan ang sunod na nnagyari nang manlaki na lamang ang mata ni Kathaleen at dumiretsyo ang tingin ko sa kung saan nanggaling ang tama niya.

Hindi naman ako makapaniwala na nandito sila ngayon. Nakatutok sa direksyon ang hawak niyang baril na ang nilalabas ay isang liquid na kakalat agad sa buong katawan.

"Run... Erense... save yourself."

I shook my head, "I won't leave you here..."

"You can." Pagkasabi niya noon ay pumikit na ang kanyang mga mata. Dahan dahan ko naman siyang binaba at matalim na tiningnan ang tatlong papalapit sa akin.

"On your knees, Erense!" sigaw ni Kage sa akin.

Nakabantay naman sa kanya gilid si Cobert at Serita. Mayamaya ay lumabas ang ilan pa sa kanila. Earle, Tyda, Vinea, Vantell at Ehrett. Nakabantay ito sa paligid ni Kage at lahat sila ay papalapit sa amin. Inisip ko kaagad kung saan ako pwedeng makatakbo at mabuti na lamang ay ilang mga daanan ang pwede kong masikutan.

Sa hudyat ng aking pagtakbo ay pinaulanan ako ni Kage ng hawak niyang baril. Naramdaman ko ang pagdaplis noon sa aking balikat, mabuti na lamang ay hindi tumama sa akin. Hinabol naman ako ng lima at sinundan ako sa eskinitang dinaanan ko.

"Stop running Erense!" Earle shouted.

I didn't listen to them; I kept on running not minding what it may lead the end of this. I am sorry for leaving Kathaleen, I have to find some way to end this. I may not have the plan to stop this, the power to finish this game but I have the will to survive at the end.

And when I finally lost them, nagpahinga naman ako sa isang tabi. Naramdaman ko ang pagbigat ng aking ulo. Siguro dahil iyon sa tumama sa akin pero hindi naman ito malala kaya kailangan kong makalayo pa sa kanila. Hindi kailangan matapos ang laban ko dito.

Pinilit ko muling tumayo at tumakbo. Parang umiikot ang paligid ko, sa hindi kalayuan ay may nakita akong nakalandusay na guard. Ngunit bago pa man ako makarating doon ay bumigay na ang katawan ko. ginamit ko naman ang pwersa ng aking mga braso para makatayo muli pero hindi ko talaga kaya at bumagsak na lamang ako.

"And now you're nowhere to go." It's Kage.

Bago pa man ito makalapit sa akin ay pinilit ko ang sarili kong makabangon at makalapit sa guard. Abot kamay ko na ang baril sa bulsa nito nang hatakin ako ni Kage at itinahaya. Nakatutok sa akin ang hawak niyang baril.

"It's time, Erense."

"No..." usal ko at mabilis kong hinugot sa bulsa ng guard ang kanyang baril at ipinutok iyon kay Kage. Nagpalitan kami ng bala at tumama ang kanya sa aking braso. Agad ko namang hinila sa braso ko ang nakatusok at tinapon iyon palayo. Nang unti unting tumatalab iyon sa akin ay hindi ko na masyadong makuha kung anong nangyayari sa paligid.

Naaninag ko na lamang na bumagsak si Kage sa lupa. Walang dugo ang dumaloy mula sa kanya at ilang saglit lamang ay nawala ito nang parang bula. Doon na naging blanko ang aking paningin at bumagsak ako sa lupa.

Tracheon: Master PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon