Chapter 20

58 5 0
                                    

Chapter 20

Unleashed


RISEL

Habang patungo na kaming apat sa basement ay biglang umalis muli si Gury. Hindi namin alam kung bakit pero labis naman ang pag-aalala namin dahil inakala namin ay sasama siya sa amin pero babalik pala siya sa loob. Oo siya ang assistant ni Lucila pero hindi naman niya kailangan maging sunud-sunuran na lang sa kanya. He had a life, had a daughter and don't need to suffer from her. Masyadong malawak na ang kabaliwan ni Lucila sa syensa kaya lahat ng bagay na maiisip niya ay kanyang gagawin.

"Paano na tayo ngayon? Nasaan dito ang palabas?" tanong naman ni Erense.

"I know," ani Gyllia.

Hinawakan ko naman siya sa braso para pigilan, "saan mo naman nalaman 'yan, Gyl?"

"Sinabi niya sa akin, babalikan niya tayo matapos niyang gawin ang nararapat doon. Uuwi kami ng magkasama."

"Find the way, Gyllia." Irap pa ni Erense. "stop with the drama, guys."

Sinimulan naman ni Gyllia na hanapin ang daan papunta sa pinto palabas ng building. Mukhang nagiging tambakan na lang din ang mga gamit na nandito sa basement. Gaya ng ilang trucks at sasakyan. May mga machines na kinakalawang na. Kinilabutan naman kami ng may makita kaming bulto bulto ng missile.

"This is a not a good place." Usal ko.

"Gyllia, are you sure you know where to find the exit?" tanong ni Erense sa kanya.

Nilingon naman kami ni Gyllia, nagtaka naman ako sa reaksyon ng mukha niya at napakamot na lang din ng ulo. "I'm sorry, I lost it."

"Shit!" Erense hissed.

Napaupo na lang din naman ako sa isang gilid dahil hopeless din pala ang pagtulong sa amin ni Gury dahil masyado niyang pinagkatiwala si Gyllia na dalhin kami sa exit. At ngayon, hindi niya alam kung saan hahanapin iyon.

Natahimik naman kaming tatlo ng may marinig kaming papalapit na mga boses. Agad naman kaming nagtago na mga guards iyon at may tinapon na mga kung anong papel at mga armas ang nilagay nila sa basurahan. Nagtawanan ang mga iyon at umalis din kaagad.

Dahil sa kuryusidad ko ay tumuloy ako doon sa pinagtapunan nila. Hindi naman ako napigilan nina Erense at Gyllia kaya pati sila ay sumunod na lang din sa akin. Kinalkal ko naman ang mga armas na pinagtatapon nila doon. Nang suriin ko naman ang mga iyon ay kinagulat kong may mga laman pang bala.

"Why would they throw this guns, away?" aniko.

Hindi naman ako pinansin nang dalawa kundi nakikalkal na rin sila. Saglit lang din naman ay may nakuha si Gyllia.

"There's a note," aniya at pinakita niya sa amin. "And this comes from my father's order."

Hindi naman ako makapaniwala dahil nakuha pa niyang bigyan kami ng pang-depensa. Nagtaka naman ako sa pagpatuloy na pagtingin ni Erense doon. Ilang papers naman ang kinuha niya at nabasa ko sa cover ng isang folder na hawak niya ang nakasulat na Master Plan.

Inagaw ko naman sa kanya 'yon.

"Ano ba Risel!" aniya.

"Teka lang, tingnan niyo 'to." Pinabasa ko naman sa kanila ang cover. "This was their plan."

Nang ibuklat ko naman ang folder ay bumungad sa akin ang picture ni Lucila Tracheon na nagsasabi siya mismo ang nagtayo at gumawa ng system para sa indikasyon na kapag hindi naging successful ang Truth for Survival ay ilalabas na niya ang kanyang Master Plan.

Ayon sa nakasulat ay ten years on the progress na ang pagtry na magiging successful ang resulta ng master plan. Ito'y inilunsad ni Lucila upang subukan ang kakayahan ng isang tao na magamit ang utak. Hindi pa man din ito nasusubukan sa mismong utak ng tao kaya may posibilidad na hindi magiging matagumpay ang kanyang theory.

Unti unti binago ni Lucila mga gagamiting transmitter sa kanyang master plan dahilan na mas magiging active ang brain sa system na kanyang gagawin. On the fifteenth year, kanya iyong ilulunsad.

Napaangat naman ang tingin ko mula sa folder na hawak ko, "tayo lang pala ang hinihintay niya na magawa ang kanyang plano. Kaya ngayon, may dahilan na tayo para tapusin siya."

"Guys, mukhang alam ko na kung paano tayo makakalabas." Napatingin naman kami kay Gyllia at kanyang tinuro ang daan. "Thanks to you, Risel."

Napangisi naman ako sa sinabi niya.

Kumuha naman kami ng tag-iisang baril at tumungo papunta doon sa pinto. May automatic keypad doon. Susubukan pa lang namin na mabuksan ang pinto ay bigla na itong nag-access at kusang bumukas ang pinto para sa amin.

"Guys, we can escape with this." napatingin naman kami kay Erense na pumasok ng sasakyan.

Natawa naman ako at tumakbo na rin palapit doon sa sasakyan. Hindi naman ako makapaniwala na makita ang tanawin sa labas. Magiging malaya na rin kami sa wakas. Mararanasan ko na rin ulit mabuhay ng walang panganib na nagbabantay sayo.

Nang-ini-start na ni Erense ang sasakyan ay agad naman siyang pinigilan ni Gyllia na umalis. Iyon ay dahil hindi pa bumabalik si Gury. Wala naman kaming nagawa kundi ang maghintay na lang din. Kung hindi dahil kay Gury ay hindi kami makakarating dito at hindi namin malalaman ang katotohanan sa lahat ng ito.

Mayamaya ay nagulat na lang kami ng biglang bumababa ang pintuan kaya naman nataranta kami dahil hindi naman dapat iyon mangyayari. Doon din namin na-realize na kaya pala nangyari iyon ay dahil nahanap na nila kami.

Una naming nakita si Lucila.

"Escaping won't make you live." sa pagkasabi nito ay tuluyang sumarado ang pintuan palabas. Bumukas naman ang lahat ng ilaw sa basement, doon ko lang din napagtanto na sobrang lawak din pala nito. "You have to choose, you kill or we'll kill you."

"We don't need to choose." Ani Gyllia. "Leave us alone, your game has ended. Lucila Tracheon."

"Well," ngisi pa nito. "It is not yet over, let them out." utos nito.

Inilabas naman nila si Gury at sa hindi naman kami makapaniwala na sunod ay si Marco. Nagulat kami dahil buhay siya. Bakas sa mukha ni Gyllia ang pagkabigla, ang dalawang taong importante sa kanya ay hawak ngayon ng game master.

"Choose, Marco or Gury or Erense or Risel..." aniya. "One to save, three to kill."

"That won't happen!" inilabas ko naman ang baril at pinaulanan ko sila ng bala. Agad naman nila kaming ginantihan at hindi ko inaasahan ang pagtama ng bala sa akin. Kahit pabagsak na ang katawan ko ay pinilit kong bumangon.

"Risel!" tawag ni Gyllia sa akin. "Stay."

But I can't feel anything, my head starts to have blurry visions.

I hold her hand and say, "stay alive... for me."

With a second, I unleashed my last breathe.  

Tracheon: Master PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon