Be's, sorry sobrang tagal ng updates. Busy eh. Inuuna ko yung school at requirements. Lamna. Lapit na ko gumraduate. :))
Misyyuuuuuuuuuuuuuuuu!
-------------------------
Chapter 39
Kathryn’s POV
Ewan lang talaga kay Dj, kung anou-ano na lang ang lumalabas sa bibig. Anong gusto ko din naman sya? Anong tatanungin sya? Baliw na yata tong lalakeng to eh. Pagkarinig kong sabi nyang ganun, lumabas na ko ng kwarto at hinarap sya.
“Ano? Anong sabi mo?” tanong ko sa kanya ng super seryoso
“Ang sabi ko, kalimutan mo na yung Albie na yun! Sabi ko rin na tanungin mo ko. Tanungin mo ko kung anong nararamdaman ko sayo. Kung sino ang gusto ko. Kung sino ang mahal ko!” sabi nya rin in a serious tone. Hindi ako makapagsalita kaya tinawanan ko na lang sya at pumasok ulit sa loob ng kwarto. Sumunod naman sya sa akin at nag lock ng pinto
“Tatawa ka lang? ganun lang yun? Kath naman!” sabi nya
“DJ naman! Wag ka ngang magpatawa!” sabi ko naman sa kanya at nahiga
“Hindi ako nagpapatawa Kath. Yan ang mahirap sayo eh, pag seryoso yung tao sayo, hindi mo Makita. Pero yung mga pinaglalaruan ka, dun ka naniniwala.”
“Pero DJ… naririnig mo ba yang pinagsasasabi mo?” tanong ko na halos di makapaniwala“Oo, at sigurado ako. Kath, mahal kita.” Sabi nya sa akin habang nasa tabi kong nahiga pero hindi naman nakatingin. Parehas lang kaming nakatingin sa itaas. Pagkasabi nyang ganun, I looked at him.
“Pero DJ, mag bestfriends tayo.” Sabi ko sa kanya, bumuntong hinga naman sya at pumikit
“Anong magagawa ko? Eh, isang araw, bigla ko na lang naramdaman tung ganto eh. Mahal kita Kath. At hindi ko na palalagpasin tung pagkakataong to na hindi sabihin sayo. Kase, natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw, pag hinayaan pa kita ngayon, Makita ko na lang na andun ka na ulit kay Albie.” Sabi nya ulit na ganun
“Pero DJ, hindi pwd.” Sabi ko naman sa kanya
“Edi puputulin ko muna yung pagiging mag bestfriends natin. Kath….” Sabi nya at kinuha yung kamay ko, pero pilit ko namang kinukuha pabalik
“Mahal kita. Paulit ulit kong sasabihin sayo yan. Mahal kita. Hindi bilang kaibigan pero higit pa.” sabi nya pero hindi ako umimik, natayo ako at tinalikuran sya. Hinayaan nya lang ako dun, na nakatanaw sa malayo. Ilang sandal, naramdaman ko nalang na niyayakap niya na ko sa likod.
“Pero hindi pwede Deej. Masasaktan ka lang. Mahal ko si Albie. Bestfriend kita. Hindi pwede.”