Chapter 22- Lucky I'm In love with My Best friend

2.2K 28 0
                                    

KATHRYN'S POV

Maaga akong nagising ngayon, excited akong pumasok eh. Haha. Kaya lang may mas maaga pa talaga sakin.

" Naaaaaaaaak. Baba na, naghihintay na sundo mo!" sigaw ni mama

" Opo. Pababa na." dali dali naman akong bumaba, baka si Julia yun. Kaya lang pagkababa ko, di pala si Julia. Si Daniel pala.

" Ang tagal mo naman Kath. " sabi niya sakin na nakapameywang pa

" Sino bang may sabi sayong sunduin mo ako ah?" sagot ko sa kanya

" Psh. Si tita Min. may angal ka?" sagot niya, ako naman nagktataka. Narinig ata kami ni mama na nagsisigawan kaya sumali na siya sa usapan.

" Nak. May seminar kasi nga ako ng 1 week. Kila Daniel ka muna, walag magbabantay sayo dito. Tsaka, natawagan ko na si Karla. Sila na bahala sayo dun." sabi ni mama sakin, ako naman, gulat na gulat

" Ma? Iiwan mo ko kila DJ? Psh. Ayaw. Ayaw. Aawayin niya lang ako dun. " sabi ko kay mama na parang bata

" EH nuon naman kahit isang buwan kitang iwan dun okay lang ah?" sagot ni mama sakin

" Oo nga Kath. Haha. " sagot ni DJ, " Wag kang maniwala kay Kath tita, niloloko ka lang niyan. Kunwari mamimiss ka pero mamaya nyan sa bahay magpapaparty yan" dugtong niya pa.

" Che. Manahimik ka nga." sagot ko naman sa kanya

" Sya. Sya. Wag nga kayong magsigawan! Kawawa mga kapitbahay niyo pag nangyaring kayo talaga magkatuluyan eh. " sabi ni mama samin

" Si Kath naman kasi Tita eh." sagot ni Daniel

" Sige na DJ. Padaanan niyo na lang gamit ni Kath dito mamaya ah. Ako na bahala dun. Mamaya pa naman tanghali flight ko." sabi ni mama

Hey! Best Friend! (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon