Chapter 36

1.5K 14 4
                                    

Ano ba ang feeling ng may isang bestfriend? Haha. Tapos, nagkataong nainlove ka sa bestfriend mo? And the moment na sinabi mo sa kanyang mahal mo siya eh ang moment din na binuksan niya na ang puso niya para sa iba. :(

One of the biases of life. It's loving someone who you know, will never be yours. Ang sabi nga ni Kiko, ang love, para ding sa science. when two molecules combine, they form different things. Kayanga tatanggapin ko na lang na hanggang mag bestfriends na lang kami.

----------------------------------------------

Hey bestfriend!

Chapter 36

KATHRYN’S POV

 

“I’ll make this clear, I will always be here, I love you. I do, I do-ooh”  

Kasalukuyan akong nakikinig ng kantang yan sa bus. Andaming nasa isip ko. Mga tanong na hindi ko alam kung kalian ko malalaman ang sagot. Mga tanong na di ko alam kung may mga kasagutan pa ba. Naaalala ko yung nangyari kagabi, nung tinanong ko siya at sinabihang ligawan niya nalang ako. Psh. Di parin ako nagbabago. Ako parin yung outspoken sa aming dalawa. Haaay.

Pano ko pa iiwasang mahalin yung bestfriend ko? Eh sa bawat araw na ginawa ng Diyos sa akin eh yun din yung mga araw na magkasama kami. Pinipigilan ko lang yung sarili ko kasi ayaw ko ng masaktan ulit.

Papunta na ako ngayon sa pag eenrollan kong university. It’s 57 kms away from our home. 2 hours na byahe. Kung saka sakaling doon na talaga ako mag aaral, I’ll be away from home na matagal. Weekends lang makakauwi. I wonder how to survive na wala yung mga taong nakasanayan ko ng kasama.

Hindi ko na dinistorbo si DJ, eh kasi, alam ko, magiging busy din yun para sa papasukan niyang school. Kaya ako mag isa ngayon. Sana nga lang, may kakilala ako pagdating dun. Di pa naman ako sanay na mag isa.

Hey! Best Friend! (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon