KATHRYN'S POV
Psh. Three weeks na lang pala, JS Prom na. At pipili na sila ng representative ng kada klase na magpaparticipate sa Rigudon Royale. 2 boys and 2 girls each classroom.
" Class. Para sa klase niyo, si Kath at Julia ang representative ng girls, at si Diego and JB yung sa boys. After nito, yung mga nasabi kong pangalan ay didiretso na sa gymnasium para sa 1st day ng practice." sabi ni Miss.
" Ma'am, kami ho ba ang pipili ng partner namin?" tanong ni Diego
" No. you will be paired according to your height. " sagot ni ma'am at tumango tango naman si Diego. Si DJ kaya napili din? Psh. Di siguro. Di naman marunong sumayaw nun eh.siguro kung magkaklase kami at hindi siya lumipat ng classroom eh napili din siguro siya.
Papunta na kami sa Gym. Andami na nila dun. Mga 20 pairs yata yung nandun kasama na yung juniors. Syempre, for this year, seniors yung mag lelead. Ibang line yung juniors at ibang line din yung seniors. Kaya lang, wala si DJ eh.
" Ok boys, kayo muna mauna. Fall in line according to your height. From smallest to tallest." sabi ni ma'am. Nag line naman sila agad. Halos lahat ng andun, kakilala ko. Yung isa nga, parang close ko na din. Si Enrique. Neri yung tawag namin sa kanya, ang taas naman kasi ng Enrique. Nasa may hulihan na siya ng line. 2nd to the last. Kilala ko siya kasi, boyfriend siya ng kaibigan naming si Lyn. Remember Lyn? Yung member ng group ng Beautiful girls nila Bianca? Kaya lang, balita kong parang nagkakalabuan na daw yata sila ngayon eh. Eto kasing si Neri, masyadong possessive. Seloso. Pero, mabait naman siya. Mahal niya lang talaga si Lyn.
Kaya lang, pansin kong Kulang sila ng isang boy.
" Yung isa nga palang kasali eh di pa dumadating. May pinagawa kasi sa kanya sa Ma'am Vira. Hahabol na lang yun." sabi ni Ma'am. Lahat naman kami tatango tango lang.
" Okay. Girls naman. Fall in line according to your height din. " pag iinstruct samin ma'am.
Lahat naman kami sinunod na siya. Kaya lang, napansin kong, makakapartner ko yung napaka womanizer naming ka batch, mabuti na lang, napansin ni Neri na ayaw ko sa kapartner ko kaya sinenyasan niya yng partner niya na makipagpalit ng pwesto sakin.
" Thank you. " sabi ko sa kanya