Halos ilang buwan na din ang nakalipas ng umalis si Nel. Wala kaming communication ngayon. Wala pa naman yung facebook. Kasi, account ko naman kasi ginagamit nun. Kung sa cellphone din, kinuha ni Tita Karla yung phone niya. Na confiscate daw balita sakin ni JC. Daniel's younger brother. Kung bakit, I don't know.
Simula nung umalis si Nel, para na din akong nawalan ng buhay.
Ilang week din akong iyak ng iyak nun, sa tuwing kumakain ako, naaalala ko yung mga panahong halos mag away pa kami dahil sa katakawan namin. Sa tuwing nag-aaral ako, naaalala ko yung mga panahong tulong kaming dalawa sa pag rereview. Madalang na lang din akong pumunta sa kainan sa harap ng school namin. Huling beses ko kasing pumunta dun, parang basag na basag yung puso ko sa mga alaalang naiisip ko. Kahit nga si Aling Nena, namimiss na din si Nel.
"Akala ko talaga, kayo na ni Nel FOREVER!" sabi ni aling Nena.
"Tss. Ano ho ba kayo, bestfriend ko ho yun. "
"Sus. Kahit ilang beses mo pa akong kulitin sa pagiging bestfriend niyo Kath, itaga mo sa bato, darating yung araw na magkaka aminan kayo!"
Hindi na lang ako sumagot, sabay yuko ko na lang sa sinabi ni Aling Nena. Feeling ko kasi, anytime, tutulo na luha ko.
One time, I was alone, having myself an alone time at the mall. Nandun ako sa favorite spot namin ni Nel, sa World of Fun. Pero this time, nakaupo lang ako. Binabalikan ang masasayang nakaraan kasama si Nel. Nagmamasid sa napakasayang paligid. Tatayo na sana ako ng may nakita akong lalaking nakatalikod, naglalaro ng basketball.
// FLASHBACK //
Matangkad ko siya, maitim, matangos ang long, chinito, mm. Si Nel? Agad ko namang pinuntahan yng lalaki.
"Nel!" tapos niyakap ko siya patalikod, pero kinalas niya yung pagkakayakap ko sa kanya at humarap.
"Miss? Do I know you?" tss. False alarm, it's not Nel.
"Sorry. I thought.." mangiyak ngiyak kong sabi.
"No It's okay" sagot niya