Dedicated to kay Erin Dizon of Broken Arrow. Actually, this whole story is dedicated to her. It was inspired from her. Kasi, bilib lang ako masyado kay Trick tsaka kay Ellie. I wish na sana ganun din ang success ng story ko. Ganun din yung impact ng story ko na maka inspire sa mga readers ko. Ganun naman talaga mga writers diba? Wala kaming ibang gusto kundi ang ma ishare ang mga had's and what if's ng bawat tao. I find myself na maging si Ellie. Sana. Kagaya ni ERIN, minsan, muntikan na din akong mainlove sa best friend ko. Kaya lang, di kagaya nina Trick and Ellie, hanggang mag best friends lang talaga kami ng Trick ng buhay ko. Kaya nga ganun na lang ang iyak ko sa bawat update ni Erin eh. Kasi, naiingit ako kay Ellie. Kasi siya, mahal siya ni Trick. Mahal si Ellie ng best friend niya. Hindi niya kailangang magpakatanga makuha lang pagmamahal ng best friend niya. Anyways, thanks Erin! You've been a great inspiration to me! Yung story mo, ibang epekto sakin nun. Diba sabi ko nga sayo? :))
DANIEL'S POV
Ang bilis ng panahon. Ngayon na ang last night ni Kath sa bahay namin. Ni hindi man lang kami nag enjoy kasi nga busy sa school. Tumawag sakin si Tita Min kanina lang to inform me na dadating na daw siya bukas.
Tapos na kaming kumain, at nanood na lang kami ng TV sa sala. Ng biglang nagsalita si Kath.
" Deej. Tabi tayong matulog ngayon? Miss na kita eh." sabi niya sakin
" Ako ba namiss mo talaga o yung aircon?" tanong ko sa kanya
" Haha. Pwede pareho?" sagot niya sakn
" Sige na nga. " sagot ko sa kanya
Okay lang naman kay mama na magtabi kami ni Kath eh. Dati naman kasi na namin tong ginagawa. Sleep over. Nauna na siyang pumunta sa taas. Inaantok na nga kasi daw siya. Ako naman, maliligo na muna. Ang lagkit ko na kasi.
Pagkabalik ko sa kwarto, nakapikit na si Kath. O diba? Ako daw na miss niya? Nahiya naman ako. Parang di naman kasi. Aircon talaga yung na miss nya. Ang bilis nakatulog oh. Yung nakakabilib lang, parehas kami ng suot ni Kath. Naka batman shirt. Hindi ko naman alam na yun din pala isusuot niya sa pagtulog. Agad naman akong tumabi sa kanya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ayyyy.
Psh. Bumangon ako ulit at kinuha yung gitara. Papalipas oras na nga lang muna ako. Tinugtog ko yung kantang Panalangin at sinabayan ng kanta ang himig ng gitara.