Chapter 19 - Said and Done

2.5K 36 3
                                    

Sorry sa mga nag intay. Sorry talaga. Busy talaga masyado sa school. :) kakasimula pa lang ng summer vacation ko. Kakagaling ko lang sa hell week! Sana, pagtiyagaan niyo na tong uodate ko. Maganda naman to eh. :)))

---------------------------------------------

DANIEL'S POV

Kasama ko ngayon si Bianca. Eto yung gusto ni Kath diba?

Psh. Kakalimutan ko na nga muna siya, kahit ngayong araw lang. kahit best friend ko yun, marunong din naman akong ma badtrip sa kanya noh. Nakakainis na kasi.

" Uy. si Kath naman iniisip mo noh? " tanong sakin ni Bianca, tapos tiningnan ko siya.

" Wag mo nga akong titigan ng ganyan, naiinlove ako lalo eh. " sabi niya sakin. Natawa tuloy ako.

" Lika na. Swimming tayo!" tapos hinila niya na ako papunta sa dagat. Ayaw na ayaw ko pa naman mag swimming. Tss. Ang dali dali ko lang kasing ginawin. But I can't do anything. Andito na ako eh. And besides, nag eenjoy si Bianca. Napaka killjoy ko naman kung sasabihin ko sa kanya na ayaw kong mag swimming diba? Kaya lang. halata talaga yata na giniginaw ako eh.

" Uy. DJ. Anyare sayo? Giniginaw ka? " tanong niya sakin, tapos, nakangiti akong tumango.

" Haha. Anu ba yan! " sabi niya tapos bigla niya akong nilapitan at niyakap. I'm trying to let go of the hug, pero pinipigilan niya ako.

" DJ. Wag ka nga. Ganto muna tayo. " sabi niyang ganun sakin. Ang sarap ng ganito. May yayakap sayo kasi alam niyang giniginaw ka. May yayakap sayo kasi sa parang to kahit papano sa parang to, magiging okay ka.

Nilayo ko siya sakin. Pumunta ako sa likod niya and back hugged her. Sometimes, I just need to be loved by someone who loves me. Kahit alam niyang di ko kayang pantayan ang pagmamahal niya.

" Deej. " sambit ni Bianca sakin

" Mm?" sagot ko naman sa kanya

" Pwede bang akin ka na lang? kahit ngayon lang? kahit sandali lang?" sabi niya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam. The second after she spoke those words, nakita ko si Kath. She was watching us from afar. And she was smiling at what she just saw.

Hey! Best Friend! (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon