DANIEL'S POV
Nasa school na kami ni Kath. Hanggang ngayon, di ko pa din nakakalimutan ginawa ko sa kanya kanina. At yung ginawa niya sakin. Isang first yun ng buhay ko. Minsan, nahuhuli ko si Kath na nakatingin sakin. Minsan, nahuhuli ako ni Kath na nakatingin sa kanya. One time nga, nakita kami ni ma'am. Break time nun, ang sabi niya.
" Uy. matunaw kayo niyan pareho ah. " sabi niya samin na naging dahilan naman na pinagtutukso kami ng mga andun.
Minsan din, nakita kami ni Julia, kinindatan ko kasi si Kath. Eto namang si Kath, di maresist yung charm ko. Kahit di sabihin, halata namang kinilig kasi ang pula.
" Psh. DJ naman. " sabi sakin ni Julia
Tapos, yung matindi, si Enrique yung nakakita sakin na nagfa flying kiss kay Kath. Nagsasayaw na kasi kami nun.
" Dre. Maya na yan. Ako muna kay Kath. " sabi niya sakin. Di ko na nga lang pinansin. Ano bang panama niya sa ka sweetan namin ni Kath kanina? Haha
Nababading yata talaga ako sa ginawa ni Kath eh. Kinikilig ako. Psh.
KATHRYN'S POV
Papunta kaming canteen ngayon kasama si Julia at Diego. Minsanan na lang muna namin makasama si Kiray Niel at Ej eh. Kasi nga practice kami, kaya yun, pa text2 na lang na muna kami. Habang kumakain kami, yung isang kamay ni DJ nasa ilalim ng mesa. Kinukulit na naman yung tuhod ko. Argh.
" DJ naman eh. " sabi ko sa kanya
" Ano?" painosenteng tanong niya sakin
" Yung kamay mo." sabi ko sa kanya
Bago pa man siya makasagot, nagsalita naman bigla si Julia
" Kath. DJ, alis na muna kami ni Diego ah. May pupuntahan lang kami." sabi niya
" O sige. Bye!" agad agad naman sagot ni Dj sa kanila, ni hindi man lang namin naitanong kung san sila pupunta or anong gagawin nila. Arsh.
" Oy DJ. Ang sama mo. " sabi ko sa kanya pagkatapos niyang payagang umalis agad sila Julia
" Ako?" painosenteng tanong niya ulit
" Hindi. Ay. Ewan ko sayo! Puntahan ko na nga lang si Neri, mas matinong kausap yun!" tatayo na sana ako ng hinawakan niya agad yung kamay ko. Tiningnan ko siya ng masama, tapos nagkatinginan kami.
" Sige, puntahan mo siya, magtatampo talaga ako!" sabi niya sakin, nanakot lang diba?
" Kath naman kasi eh. For once naman, pwede bang maging sweet ka naman sakin?" sabi niyang ganun sa akin