PROLOGUE

3.7K 124 1
                                    

I wiped my tears as i seated at the bench in departure area.

Yung pakiramdam na halos hindi kana makakahinga dahil sa sobrang sikip ng iyong dibdib?

Ganoon at ganoon din ang nararamdaman ko at the moment.

Pinakatitigan ko ang hawak kong cell phone bago ako huminga ng malalim.Sa lahat ng tao na gusto kong i-text ay yung ex-husband ko pa ang syang naiisip ko.

Maybe,hindi parin ako nakaka-get over sa bilis ng pangyayari.

Hindi nya alam na mangingibang bansa ako.Natapos na ang paghaharap namin sa korte two months ago.

But the pain...

Oh my god!yung sakit na dulot sa akin ng paghihiwalay namin ay nakayapos parin sa aking puso.

Paano na ang dalawa naming anak na maiiwan sa pangangalaga ng aking ina at ng aking kapatid?

Tuluyan na ba silang lumaking broken family?

Lumandas ang maraming luha mula sa aking mga mata.Kailangan kong lumayo alang-alang sa kinabukasan nila.

Napakaliit pa ng mga anak namin para magkaroon ng wasak na pamilya..pero ano nga ba ang magagawa ko kung mismong tatay na nila ang tumalikod sa amin?

Ano pa nga ba ang saysay ng pagsasama kung hindi na ako patatahimikin ng katotohanang ipinagpalit nya ako sa iba?

Kaya mas maigi pa ang ganito..ang lumayo ako,baka sakaling ito ang tamang paraan para makalaya ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

☆☆☆

Bukas,karugtong ng Kahapon..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon