Maaga akong nagising kinabukasan.Kailangan kong ipaghanda ng almusal ang mag-aama ko like the old days.
Nagtataka lang ako kasi ni isang kasambahay ay wala akong nadatnan sa loob ng kusina.Dati kasi dalawa ang kasambahay namin.Yung isa,taga linis..at yung isa naman,naka-assign sa kusina.
Inalala ko ang mga paboritong breakfast ng tatlo bago ako nagdecide na magluto.Sana..yun parin ang gusto nila hanggang ngayon.
Eksaktong kapapatay ko ng apoy sa may kalan ay nagulat nalang ako nang may yumakap sa akin mula sa likuran.
Mahigpit nyang pinalibot ang kanyang magkabilang braso sa aking baywang bago inilapat sa ibabaw ng aking balikat ang kanyang baba.
"November..."its just like a whisper na lumabas mula sa aking bibig.
"I thought,it's a dream..."
Napapikit ako.Tumatagos sa aking puso ang katagang iyon.
Nasaan na ang tinanim kong galit sa kanya four years ago?bakit bigla nalang iyon nawala?
"Umakyat ka na ulit at maligo..ako na ang bahala dito.."malumanay kong sabi.
"Jany,hindi mo naman pwedeng gawin 'to...you need to rest.I'm sorry,kasi pinalayas ni Janelle ang Help natin dito sa bahay simula nang iwanan mo kami..kaya no choice,kailangan kong magising ng maaga para maghanda ng agahan namin."
Binalot ako ng konsensya.Huminga muna ako ng malalim bago marahang humarap.Hinuli ko ang kanyang paningin.
Unlike yesterday...ngayon kasi,may kislap na akong naaaninag sa bawat sulok ng kanyang mga mata.
"Okay lang ako..we don't need the Help anymore,I'll do the house chore with myself.Kaya ko naman eh!"i gave him a reassuring smile to convince him.
"No,you can't do that..."umiling sya.
"Ayokong mapapagod ka,Jany.."
"November,please..let me do this!gusto ko lang kayong paglingkuran,marami nang panahon ang sinayang ko kaya hwag ka nang kumontra pa."
Naramdaman ko ang paghinga nya ng malalim.
"Bakit mo 'to ginagawa?"
Nagbaba ako ng tingin.Bakit nga ba?para makabayad ako ng utang na loob sa kanya dahil sa kanyang kabutihan sa aking pamilya?
"Jany..you don't have to pretend para makumbinsi ako-"
"I'm not pretending!pumunta ako dito para ibalik ang kalooban ng mga anak ko,pwede..hwag mo namang ipagkait sa akin yon?"
Itinaas nya ang aking baba para mahuli ang aking paningin.
"Hindi ka napipilitan lang?"
Oh!napilitan nga akong pumunta dito last night...pero nang muli akong makatunton sa loob ng sariling tahanan,i realize one thing...kailangan kong punan ang mga pagkukulang ko bilang ina ng mga anak ko.
Kaya hindi ko magagawa iyon kung hindi ako mag'i-stay dito.Kailangan kong maibalik ang pagmamahal ni Janelle sa akin.
"Of course not!"pagkakaila ko sa kanya.
Na-guilty tuloy ako nang mapansin ko syang napangisi.May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Hmmm...you arriving home with barefoot in the middle of the night,last night...hindi ka nga napipilitan,Jany.."
Ramdam ko ang biglang pagkapula ng aking pisngi..shit, this man!
"Tinatawanan mo ba ako?"salubong ang kilay na tanong ko sa kanya.