Malapad ang pagkakangiti ni Mama nang pagbuksan nya ako ng pintuan.
Nagpaalam kasi ako kay November na dalawin sina Mama at Ate Jassy ngayon araw, since mag-iisang buwan na ang lumipas matapos akong palayasin ni Mama nang gabing iyon at ngayon lang ulit ako nakabalik dito.
Maganda ang mood ni Mama kasi sya ang nagwagi sa aming dalawa..kahit hindi na nya sabihin sa akin iyan.Ang maaliwalas nyang mukha ang nagpapatunay na tama nga itong naiisip ko.
"Kamusta,Ma?"bati ko sa kanya bago ko sya hinalikan sa kanyang pisngi.
"Maayos lang naman..ikaw,kamusta ang buhay mo ngayon?"
Kaagad kong iniwas ang aking paningin.Natatakot kasi ako na baka mahalata nya na mabigat parin ang kalooban ko hanggang ngayon.
Ni hindi parin kasi kami nagkikibuan ni Janelle simula pa kaninang umaga hanggang sa makaalis sila ng bahay.Yung nangyaring sagutan namin kagabi?sariwang-sariwa parin iyon sa aking isipan.
Ayokong malaman ni Mama,dahil alam ko..sermon lang ang aabutin ko sa kanya.
"Okay lang Ma,si Ate Jassy nasaan?"pag-iiba ko ng usapan.
"Nasa likod bahay at nagdidilig ng mga pananim nyang bulaklak doon."
Si Ate talaga..wala ng ibang pinagkakaabalahan kundi ang mga pananim na yan.
"Aayusin ko muna mga gamit ko sa kwarto ko,Ma...dadalhin ko kasi pag-uwi ko mamaya."paalam ko sa kanya.
Tatalikod na sana ako nang muling magslita si Mama.
"Jan...i-shopping mo naman ako minsan.Masyado na kasi akong bored dito sa bahay eh!"
Nilingon ko sya bago ako tumango.
"Sige Ma,kung may oras ako...kailangan ko din magpaalam kay November."
Humakbang na ako papalayo sa kanya nang bigla akong matigilan sa kanyang tanong.Hindi ko alam pero bigla nalang kasi akong nainis.
"Ipinagkatiwala na ba ulit ni November sa'yo ang isa sa mga ATM card nya?"
What did she mean?bakit nasali sa usapan ang ATM card na yan?na ni minsan ay hindi nga rin sumagi sa aking isipan.Saan ko ba naman kasi gagamitin kung sakali?i have my own money now..at ano nalang ang iisipin ni November kapag nagkataon?
Kaya ba naglalambing sya sa akin na mag-shopping dahil akala nya hawak ko ang ATM card ng asawa ko?
"Hwag nyo namang sagarin ang kabaitan ni November,Ma!"
Wala akong balak na pagsabihan sya nang ganoon pero nagulat din ako nang bigla nalang iyon lumabas mula sa aking bibig.
Hindi ko alam kung bakit laging mainit ang aking ulo..kaya hindi ko na naiisip kung may nasasaktan na ba akong iba?
*
*
*
Masikip na masikip ang aking dibdib..hindi ko alam kung bakit?dahil ba napagsabihan ko ng ganon si Mama?
I wanted to apologize to her pero ni hindi ko maibuka ang aking bibig.What the hell is happening to me?hindi naman ako ganito dati.
Oo,nagsasagutan kami ni Mama...pero bilang din lang ang mga kataga na lumalabas sa bibig ko.Kanina hindi sya nakaimik na labis kong pinagtataka.Siguro nasaktan ko nga ang damdamin ni Mama.
Nagtanong lang naman sya at natural lang naman iyon...pero bakit bigla nalang akong nagalit?
Saktong sinasara ko na ang zipper ng malaking trolley bag ko nang bumukas ang pintuan.Si Ate Jassy ang pumasok.