Chapter 3

1.8K 86 1
                                    

Maganda ang aking pagkakangiti nang matanaw kong sumalubong sa amin si Janelle.Naramdaman ko din ang pagluwag ng braso ni November mula sa pagkapulupot nya sa aking baywang.

Pero unti-unting nawawala ang aking pagkakangiti nang sunggaban nya ng yakap ang kanyang Daddy.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili..siguro,yayakapin din naman nya ako pagkatapos nyang yakapin ang Daddy nya.

Pero halos manlambot ang aking tuhod nang bigla na nyang ikinawit ang kanyang dalawang kamay sa kaliwang braso ni November at sumabay sa amin sa paghakbang papunta sa bulwagan.

It's like..na para bang hindi ako umi-exist dito ngayon kaya ni hindi man lang nya ako napansin.

Nasaan na ang pinaka-malambing kong Janelle?bakit ganito na kalaki ang kanyang pinagbago?

Ganoon na ba kahaba ang apat na taon para kalimutan nya ako?

"H-happy birthday,anak.."

Pilit ko mang pasiglahin ang aking boses pero hindi ko parin mapigilan ang pagkautal ng aking dila.

It's my daughter for heaven's sake!pero bakit ako natataranta?ano ba ang nagawa kong kasalanan para tratuhin nya ako ng ganito?

Unlike Juneery...si Janelle,laging umiiwas sa akin simula ng unang araw na pagdating ko.

Masakit!masakit na masakit sa dibdib!!yun bang nakikita kong binabalewala nya ako katulad nito?

"Thank you,Mom..."

Ramdam ko ang lamig mula sa kanyang boses.

"N-nabuksan mo na ba yung gift ko para sa'yo?"

Kino-kontrol ko ang aking sarili para hindi pumiyok ang aking boses but damn it!anumang oras ay gusto ko nang humagulgol ng iyak dito!

"Not yet.."

Maikli nyang sagot.Tumango nalang ako at hindi na muling nagsalita pa.

Yung feeling na gusto ko syang yakapin dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya pero ni hindi ko magawa dahil lagi nyang dinidistansya sa akin ang kanyang sarili.

Bakit ganito si Janelle?

"Pupuntahan ko lang ang mga friend's ko,Dad..para hindi sila ma-out of place."

Paalam nito at tuluyan ng humakbang palayo.

Mabuti pa ang kanyang mga kaibigan at naisipan nya na hindi ma-out of place...samantalang ako,heto at nasasaktan ay wala syang pakialam.

Lumunok ako ng mariin at saglit na yumuko.Pasimple kong pinadaanan ng aking daliri ang gilid ng aking mga mata para punasan ang namumuong luha doon.

Hindi ako pwedeng umiyak dito..hindi ngayon ang panahon ng pag-iyak.

Nang muli kong i-angat ang aking mukha ay muling nagkasalubong ang paningin namin ni November.Nasa tabi ko pa pala sya at hindi pa umalis.

Hindi ko mawari ang emosyon na nakausli sa kanyang magagandang mata.Pero saglit lang iyon dahil kaagad nyang binawi ang paningin.

"Aasikasuhin ko muna ang mga bisita..you can go and find your friends and relatives to chat with.."

Nakatutok lang ako sa kanyang mukha habang sya ay nagsasalita.Hanggang sa namalayan ko nalang ang marahan nyang pagtalikod at naiwan akong mag-isa na nakatayo dito sa may sulok ng bulwagan.

Mas lalo kong naramdaman ang pag-iisa.Bakit ba parang unwelcome na unwelcome ako sa party na'to?

Napapailing nalang ako sa naisip bago ko hinanap si Mama at Ate Jassy.

Bukas,karugtong ng Kahapon..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon