Nakadalawang beses kong pinindot ang doorbell bago bumukas ang gate.
Nag-aalalang mukha ni November ang bumungad sa akin sa may pintuan.Kunot-noo nya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Wala akong pamasahe..nag-aantay yung taxi sa labas."i told him bago ko sya nilampasan at mabilis na tinungo ang hagdan.
Mabilis akong umakyat at napahinto lang ako nang mapatapat ako sa may master's bedroom.
Our room.
Agad kong nilampasan ang kwarto namin para maiwaglit sa aking isipan ang masasayang sandali na kasama ko sya sa loob ng silid na yun.
Every moment in my life with November is like heaven.Hindi ko nga maintindihan kung bakit bigla nalang nagbago ang lahat.
Hindi ko alam kung sino talaga ang may kasalanan..ako ba o sya?
Ako...dahil naging padalos-dalos ang aking disisyon.
When i saw him with that woman..hindi ako nagtanong.Kasi naman,not only once na nakita ko ang tagpong iyon..
Not twice but several of times...they're holding hands together.They were laughing..as if they were happy to be together!
Gusto ko syang tanungin at the time...pero pinapangunahan ako ng takot at pangamba.
Paano kung aaminin nya sa akin na sya yung babaeng totoo nyang mahal.Kasi hindi naman lingid sa aking kaalaman na ikinasal kami dahil sa kagustuhan ng mga magulang namin.
What if...natagpuan na nya ang kanyang true love?at sya nga ang babaeng iyon na lagi nyang kasama?
Yun ang nagtulak sa akin para hiwalayan si November.Na akala ko...makakatulong ang gagawin kong iyon if i set him free.
Pinakawalan ko sya,oo...pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko na sya mahal.Ginawa ko yun para hindi na sya maguguluhan pa.
Apat na taon akong nagliwaliw sa ibang bansa...pero sa loob ng mga panahon na iyon ay daig ko pa ang lantang halaman na hindi na kayang mabuhay pa dahil wala ng nag-aalaga.
I feel of dying everytime i remember our happy memories..
Inamin ko sa sarili ko na hindi ko kayang mabuhay without him..dahil para sa akin?he was my everything!
Pero kapag sumasagi naman sa aking isipan yung babaeng iyon..doon na naman ako kinukurot ng sakit sa aking dibdib!
Na kailangan ko na talaga syang kalimutan dahil hindi kami para sa isa't-isa.
Na hindi ako ang babae na gusto nyang makasama habambuhay!
Huminga muna ako ng malalim bago ko hinawakan ang doorknob ng silid ni Janelle.Balak kong matulog na kasama ang dalaga ko.
Siguro mahimbing na syang natutulog kaya kahit na magagalit sya bukas kapag namulatan nya na katabi ako sa kama ay ayos lang...basta ba nanakaw ko ang sandaling ito na makatabi man lang sya sa pagtulog.
Kahit ngayong gabi lang...kasi sabik na talaga akong makasama sya.Kasi sya lang talaga ang malayo ang loob sa akin kasi lagi ko namang nakakasama si Juneery.Nagtatabi nga kaming matulog doon sa kwarto ko,eh!
Nanginginig ang aking tuhod nang tuluyan ko ng mabuksan ang pintuan.Pero binundol ako ng kaba nang matanaw kong nakaupo sa may study table si Janelle at nakabukas ang laptop nito.
Gulat syang napalingon sa may pintuan at halata ko pa ang pagkayamot na rumehistro sa kanyang mukha nang makita nya akong nakatayo doon.
"It's late already...dapat natutulog kana..."i told her in a low voice.
"I'm studying..."mahina nyang sagot at muling ibinaling sa harapan ng laptop ang paningin.
Bagsak ang balikat na isinara ko ang pinto ng kanyang silid.Mission failed!
Muli akong bumaba at balak na pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.Pakiramdam ko kasi ay biglang natuyo ang aking lalamunan.
Nakasalubong ko si November sa may corridor kaya wala sa sarili na inatake ko na naman sya ng sermon.
"Dapat pinagsasabihan mo si Janelle na matulog ng maaga..nakakasira sa mata ang laging nakatutok sa screen ng laptop."
"She's wearing glasses..and,malaki na sya..alam na nya ang ginagawa nya.She's genius after all."
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nainis sa klase ng sagot ni November.
"Kaya naman pala at wala ng respeto ang anak mo dahil kinukunsinti mo sya sa lahat ng bagay!"bulyaw ko sa kanya.
"Janelle is the sweetest,Jany!sa'yo lang naman sya nagkakaganyan."
Naramdaman ko ang pinong kurot sa aking dibdib.Ako ba talaga ang nagkulang?
"Kung pumunta ka lang dito para awayin si Dad..you shouldn't come!"
Magkasabay kaming napatingala sa may hagdan nang marinig naming nagsalita si Janelle.
"Jane,don't too harsh to your Mom!"
Nakuha ni November ang aking atensyon nang bigla syang magsalita.
"Dad,I'm telling the truth!kita mo nga at binubulyawan ka...dapat ikaw nga ang magalit sa kanya kasi iniwan nya tayo..."
Napalunok ako ng mariin nang marinig ang huli nyang sinabi.Napakamot nalang sa kanyang ulo si November at hindi na nagsalita pa.
Nang iangat ko ang aking paningin sa taas ng hagdan ay wala na si Janelle doon.
So,it's my fault again..
"Let's sleep,Jany..I'm tired."
Napatitig ako sa kanyang mukha.Damang-dama ko ang pagod na nakarehistro sa kanyang mukha.
Alam kong napaka-workaholic ni November ever since.Kaya nga nabibilang na sa listahan ang kanilang angkan dahil isa din sila sa pinakamayamang tao in town.
Kilala ang kanilang pamilya..pero,bago pa kami ikinasal ay kasalukuyan ng naninirahan sa probinsya ang kanyang mga magulang.
Mayroon silang hacienda sa probinsya.Na ginawa na naming bakasyunan every summer noong maayos pa ang aming pagsasama.
Gusto ko syang yakapin at sabihing-its gonna be fine..nandito lang ako.
Pero pinipigilan ko lang ang aking sarili.Hindi ko nga alam kung ano pa ang maging papel ko sa loob ng pamamahay na ito.
Ako parin ba ang reyna katulad noon?
"I want to sleep in June's room..matulog ka na."
Hindi nakaligtas sa akin ang pagguhit ng disappointment sa kanyang mga mata nang sabihin ko iyon.
"Okay then,goodnight!"
Kinintalan muna nya ako ng halik sa pisngi bago sya tumalikod at tuluyan ng umakyat.
Napahawak ako sa aking pisngi na kung saan naroon ang bakat ng labi ni November.
Ganoon parin...wala paring pinagbago ang lakas ng kabog sa aking dibdib wherever he's around.
I just love him so much!
☆☆☆