Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang lumipas habang nasa ganoon parin akong ayos.
Bumukas ang pintuan at kaagad kong natanaw ang pagpasok ni November.Napansin ko pang inikot nya ang paningin sa paligid bago sya humakbang papalapit sa aking kinaroroonan.
Nasa sulok kasi ako ng silid at kasalukuyang nakasalampak sa sahig habang luhaan.
"Jany..."malumanay nyang tawag sa akin..pero ni hindi ako kumibo.
"Anong nangyari sa loob ng dining room?bakit nagkalat sa sahig ang mga pagkain?ano na ang kakainin natin ngayon?"doon na ako kumilos.Pilit akong tumayo.
"Bakit hindi kana lang kumain doon kasama ang mga anak mo!?diba mas masarap naman magluto ang Sandra na yun kaysa sa akin?bakit kapa umuwi dito?bakit?"mapait kong bulyaw sa kanya.
"Jany...i told you earlier that I'll be back.Hwag ka namang magalit ng ganito-"
"Hwag magalit?sino ang hindi magagalit?ipinagpalit nyo ako sa Sandra na yun,November!pangalan lang nya ang maririnig ng anak mo,gusto na nyang liparin kaagad ang bahay ng babaeng iyon...ano?akala mo ba hindi masakit sa akin?ako ang Mommy nya,November..ako!pero ni hindi nya nakikita ang pinaghirapan ko..ang mga efforts ko!maayos na sana eh,kung hindi lang tawag ng tawag ang Sandra na yan.Sino ba kasi ang babaeng iyan!sino ba sya sa buhay nyo!!"
Sa wakas naihambulat ko na ang mga tanong na kaytagal nang nakayapos sa aking dibdib.Parang natanggalan ng tinik ang aking puso ngayon dahil pakiramdam ko biglang gumaan iyon.
Huminga sya ng malalim bago tinitigan ako ng mariin sa aking mga mata.
"Jany,sobrang naapektuhan ang dalaga natin nang iwan mo sya.Sobra ka nyang na-miss at laging hinahanap ang iyong presensya,dahil dun...nahulog sa sobrang depression ang kanyang nararamdaman.Nagkukulong sya sa silid nya at wala nalang ginawa kundi isulat ng paulit-ulit ang salitang i miss you mommy habang umiiyak.Hindi sya tumitigil kahit na pagod na pagod na sya."parang sinaksak ng paulit-ulit ang aking puso dahil sa narinig.
"At si Sandra ang tumulong sa kanya para maibalik sya sa dati.Nag-stay dito ng matagal si Sandra para maalagaan sya.Without your presence si Sandra ang ginawan nya ng sandalan.Kailangan lang pala nya ng isang taong makikinig sa kanya para mailabas nya kung anuman ang nasa loob ng kanyang puso."
Muli na naman akong binalot ng inis nang mabanggit nya ang pangalan na yun.Ewan ko ba,pero aaminin ko man sa hindi...talagang pinagseselosan ko ang babaeng iyan!
"Nag-stay dito?ah...kaya ba may printed cup din sya doon sa cabinet?wow!ang especial naman nya!kaya pala pati ikaw ay hulog na hulog ang kalooban mo sa babaeng iyon...bakit,November?pinunan rin ba nya ang kalungkutan mo kaya parang balewala sa'yo na wala ako sa tabi mo?"nang-uuyam kong sabi.
"Jany,what the hell you are thinking!"tumaas ang kanyang boses.
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin,November!"nilapitan ko sya at pinaghahampas ang kanyang dibdib.
Napapaiyak na naman ako sa naisip.Masakit isipin na may itinuring silang especial na tao maliban sa akin.Ang malala pa,naging kaagaw ko pa sa kanilang atensyon magpa-hanggang ngayon.
Mahigpit nya akong niyapos at isinandal sa dingding.Inipit nya ako ng kanyang katawan doon dahilan para hindi na ako makakilos pa.
"Pakawalan mo ako,ano ba!"singhal ko sa kanya.
"Not until...you calm down,Jany!"
"Hinding-hindi ako kakalma hanggat may Sandra sa buhay nyo!hanggat nahahati ang atensyon ninyong tatlo!hanggat binibigyan nyo sya ng oras para makapiling kayo!hinding-hindi matatahimik ang buhay ko!!"luhaan kong sabi sa kanya.
Napapikit nang mariin si November..at pagmulat ng kanyang mga mata ay kaagad nyang pinagdikit ang aming noo.
"Jany,Sandra is nothing to do with our relationship.Walang masamang ginagawa si Sandra.Mahal kita kaya pwede ba hwag mo naman akong pag-isipan ng masama?masakit Jany.."ramdam ko ang kirot mula sa kanyang boses.
"Sarili mo lang ang kalaban mo..sarili mo lang ang pinagseselosan mo,kasi alam mo ba?sobra kitang mahal!hiniling kita kay God Jany...pinagkaloob ka nya para sa akin.Dahil kung hindi mo alam,fetus ka palang minahal na kita!"napalunok ako dahil sa narinig.Biglang lumakas ang pagtibok ng puso ko.
"Kung gayon..sino si Sandra sa buhay mo..."ngayon malumanay na ang aking boses.
"Sandra is my sibling..."
Pilit na naman akong nagpumiglas dahil sa narinig.
"Niloloko mo ba ako?fifteen years na tayong kasal,November!at paano ka nagkaroon ng kapatid na hindi ko man lang alam!?"
"She's....my foster sister."natigilan ako.
Pinakawalan ako ni November.Dinala nya ako sa kanyang dibdib at masuyong niyakap.
"I'm sorry for not telling you about this...kasi Jany,it's a secrets between me and Papa."naguluhan ako dun.
"A-anong ibig mong sabihin?"alinlangan kong tanong.
"Inampon ni Papa si Sandra simula nang pumanaw ang mga magulang nito,since malaki ang utang na loob nya sa Tatay ni Sandra.When Sandra was fifteen years old and i am nineteen at the moment,inuwi ni Papa sa bahay ang dalaga.Pero ang hindi inaasahan ni Papa.Si Sandra ang naging sanhi ng pag-aaway nila ni Mama na muntik ng mauwi sa hiwalayan."he paused for a moment bago nagpatuloy.
"Hindi tanggap ni Mama si Sandra dahil akala nya nagsinungaling lang si Papa sa kanya.Ang akala kasi ni Mama anak ni Papa sa ibang babae ang dalaga at nagkunwari lang na inampon ito.Galit na galit si Mama nung time na yun..kaya walang choice si Papa kundi muling ihatid sa bahay-ampunan si Sandra.Yun ang pagkakaalam ni Mama,pero ang totoo...pinaluwas ni Papa sa ibang bansa si Sandra at doon pinag-aral."
Hinaplos nya ang aking buhok habang nakahilig ang aking ulo sa kanyang dibdib.
"At pagkalipas ng maraming taon...nagkaroon na ng stable na trabaho si Sandra...hindi naman nya balak na aapak pa ng Pilipinas,pero nagkataong dito sya pinatapon ng head of chairman ng hospital na pinaninilbihan nya sa States."
Ngayon..unti-unti nang naliliwanagan ang aking isipan.
"I'm sorry...inilihim ko sa'yo ang tungkol doon, hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo.Pero kasi Jany...you and Mama were best of friends.At hindi ako sigurado kung hindi mo mababanggit iyon sa kanya.Alam mo na...ayoko nang muli silang mag-away ni Papa.I hope you understand me,please?"
Kusa syang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin at marahan nyang inangat ang aking mukha.
"You're my everything,Jany.I love you and i love you!kahit kailan hindi ko pinagsisihan ang naging disisyon ko na ikaw ang gusto kong makasama habambuhay..."
Napaluha na naman ako sa lalim ng hugot nya.
"November..."
"Kaya hwag mo akong pag-isipan ng negative...dahil iyong-iyo ako,Jany..."
"November,nakakainis ka!pinapaiyak mo na naman ako..."
Napangiti sya bago marahang pinunasan ng kanyang daliri ang bakat ng luha sa aking pisngi.
At marahan ko nang ipinikit ang aking mga mata nang ilapit nya sa akin ang kanyang mukha para siilin ako ng mainit na halik sa aking labi.
November..i love you.
☆☆☆