Hinatid ko ang tatlo sa may pintuan..it's their time to leave.
"Goodbye,Mommy!"
Dumukwang ako para mahalikan si June nang magpaalam sya sa akin.
"Mag-ingat ka,son!be good in school..."sumaludo lang sya sa akin bago tuluyang lumabas.
Saglit kaming nagkatitigan ni Janelle nang humarap ako sa kanya.Inaantay ko ang kanyang reaksyon.
Nararamdaman kong gusto nya akong yakapin at halikan pero parang nag-aalangan sya.Ayoko naman na ako ang unang gumawa ng move,baka kasi balewalain lang nya ako tulad nang lagi nyang ginagawa.
"Aalis na kami..."
Nag-init ang aking pakiramdam.Atleast,this time..nagpaalam sya,hindi nya inignora ang aking presensya.
Konting efforts nalang,alam ko babalik na sa dati ang samahan namin ni Janelle.
"Take care,Honey!"masigla kong tugon sa kanya.
Sinundan ko sya ng tanaw hanggang sa lumiko papuntang garahe.Hindi pa ako nakontento,in-stretch ko pa ang aking leeg kahit na hindi na maabot ng aking tanaw ang garage area.
Natigilan lang ako nang may humawak sa aking kamay.Saglit akong lumingon at nakita ko ang concern sa mukha ni November.
Humarap ako sa kanya at kahit wala syang sinasabi ay naiintindihan ko ang bawat tingin na ipinupukol nya sa akin.
Para bang nagsasabi na..wait a little at babalik din sa dati ang pakikitungo ni Janelle sa'yo.
Binawi ko ang kamay at kusa iyon tumaas palapat sa kanyang dibdib.Inayos ko ang suot nyang necktie.
"May gamit ka sa kwarto natin...tingnan mo mamaya."
Natigilan ako.Sa pagkakaalam ko kasi ay wala na akong natitirang gamit dito simula nang naghiwalay kami.
"Ha?"tanging nasambit ko.
"Just check it and don't asked...si Janelle ang bumili ng mga damit mo at iba pang mga gamit na kakailanganin mo."
Lumukso ang puso ko..is it-is it for real?
Gusto ko tuloy umiyak dahil sa narinig..imagine that?mahalaga din pala ako kay Janelle at umaasa pala sya na babalik din ako dito?
Tiningala ko sya at marahang inabot ng aking labi ang kanyang pisngi.
"Drive safely!"sabi ko,matapos ko syang kintalan ng marahang halik sa pisngi.
Pero nanlalaki nalang ang aking mga mata nang bigla nyang hulihin ang aking labi.
Banayad lang ang ginawa nyang panghahalik sa akin pero dama ko sa aking dibdib kung gaano kalalim ang pinapahiwatig ng halik na yun.
Napapikit ako at kusang binuka ang sariling labi para bigyan sya ng daan na pailaliman ang paghahalikan namin.
Bakit ko nararamdaman ang tunay nyang pagmamahal sa akin sa pamamagitan lang ng isang halik?
Diba nga..hindi na ako nag-isip noon nang hiwalayan ko sya dahil binalot na ako ng matinding sakit na nararamdaman?
Nasaan na ang sakit ng kahapon? Bakit ang tangi kong nakikita ay yung ngayon?
Talaga bang may naghihintay sa amin pagdating ng bukas?may karugtong pa ba ang kahapon na kung saan namuhay kami nang masaya at mapayapa?
Sana may karugtong pa...sana..
*
*
*
Marahan kong binuksan ang pintuan ng silid namin.Agad na lumipad sa may dingding ang aking paningin na kung saan doon nakasabit ang malaking frame.
Our wedding photo.
Nakuha ng aking atensyon ang nakasulat sa ibabang bahagi ng frame.
THANK YOU FOR COMING BACK..
Parang hinaplos ang aking puso nang basahin ko iyon.
November...
Lumipat ang aking paningin sa ibabaw ng malaking kama.Malinis at maayos ang pagkaka-arranged ng bedsheet at mga unan sa ibabaw nun.
Si November ay yung klase ng tao na masinop sa gawa at pananalita.Ayaw nya ng makalat...gusto nya,nasa maayos ang lahat.
Sya yung taong hindi madaldal...kapag bumuka ang bibig nyan..nasa punto ang sasabihin.
Sya yung taong hindi ka pipigilan sa nais mong gawin.Gusto nya,ikaw mismo ang maka-realize sa sariling pagkakamali.
Kita nyo naman...hinayaan nya akong hiwalayan sya.Hinayaan nya akong iwanan sya.Pero at the last hour heto ako...bumabalik pa din sa piling nya.
Ni hindi ako nakarinig ng paninisi galing sa kanya.Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang apat na taon na malayo sa piling nya.
Ang akala ko kasi...maayos na ako,hindi pala.Sya parin ang hinahanap nitong puso ko.
Bakit kasi hindi ko naisipan na ipaglaban sya noon?kung ginawa ko ba iyon ay walang magbabago sa samahan namin?
Pero huli na ang lahat.Lumipas na yun.At heto ako,nagsisimula ulit mula sa dulo.
Matapos kong tingnan ang mga gamit na sinasabi ni November ay muli akong lumabas.
Tinungo ko ang silid ni Janelle.Hindi ko alam pero hindi nawawala sa isip ko kung anong relasyon mayroon sila ng Sandra'ang iyon.
Kilala ko si Janelle.Hindi sya malapitin sa isang tao kung hindi nya ito ka-close.
Nasa ayos din lahat ang mga gamit sa kwarto ni Janelle.Saan ba naman kasi magmamana ang dalaga namin?
Maingat kong binuksan ang kanyang kabinet at bigla nalang akong natulala nang tumambad sa aking harapan ang isang bagay.
Maayos na nakapatong sa loob ng cabinet ang printed cup ko at sa tabi nun,isang medium size na teddy bear..may heart na nakadikit sa dibdib ng teddy bear at nakasulat doon ay I MISS YOU SO MUCH,MOMMY.
Hindi ko napigilan ang pamumuo ng luha sa aking mga mata at tuloy-tuloy ang paglandas nun sa aking pisngi.
Ang akala ko nabasag na o di kaya ay itinapon na nila ang cup ko.Ni hindi ko naisip na itinago pala ng anak ko.
Janelle,Honey...i make it up to you,promise!
Marahan akong lumabas ng silid at dere-deretsong bumaba sa hagdan.Malinis naman ang bahay pero kailangan lang ng konting pagpupunas.
Wala akong ginawa buong maghapon kundi naglinis at nag-ayos ng bahay.Saka lang ako naupo nang mapagmasdan kong maayos na ang lahat.
Tiningnan ko ang orasan na nakapatong sa divider ng sala.Malapit na ang dating ng mag-aama ko.Bigla akong na-excited sa isiping iyon.
Tumayo na sana ako para maghanda ng kanilang me-meryendahin nang tumunog ang telepono.
Mabilis kong tinungo iyon at kaagad na inangat ang audotibo.
"Hello?"
'Oh hi!isa ka bang cleaners ng bahay?'
Kumunot ang noo ko.Cleaners?this is the owner,tanga!
"Sino po sila?"instead na tanong ko.
'I'm Sandra...'
Bumilis ang tibok ng puso ko.Kung kanina pangalan lang ang nababasa ko,ngayon naman ay kausap ko na mismo sa phone.
"Anong kailangan nila?"nanlalamig ang buong katawan ko habang inaantay ang sagot nya.
'Pakisabi nalang kay Janelle at June na magpahatid sa Daddy nya papunta dito sa condo unit ko kapag dumating sila mamaya.Sabihin mong dito na sila mag-dinner.'
Umikot ang eyeball ko.Imagine?sisirain nya ang unang araw ko dito na kasama ko sana sa bawat meal ang pamilya ko?
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Okay!"
Mabigat man sa kalooban pero yun ang namutawi mula sa bibig ko.
☆☆☆