Sa bilis ng mga araw na lumipas..hindi ko inaasahan na mag-iisang buwan na pala ako sa piling ng aking mag-aama.
Bumalik na sa dati ang samahan..nakakatampo man isipin na mas close si Janelle sa Daddy nya kaysa sa akin ay pinipilit ko nalang iniignora ang tampo na namumuo sa puso ko.
Marahil,Daddy's girl lang talaga sya...tulad ko,when i was young.Mas malapit ang loob ko kay Papa kumpara kay Mama.
Naisip ko tuloy,kung nakakaramdam din kaya ng pagtatampo si Mama kapag nakikita nyang mas malapit ang kalooban ko kay Papa kaysa sa kanya?
Sa sitwasyon kasi namin..pareho kaming babae ni Ate Jassy,kaya siguro okay lang yun kay Mama kasi si Ate Jassy naman ang close nya.
Dinner time...
At heto nga nasa harapan na kami ng hapagkainan habang kaharap ang masarap na putahe na pinagkaabalahan kong lutuin mula pa kanina.
Ni hindi pa nga nakakapagsandok ng pagkain ang isa sa amin nang biglang tumunog ang cell phone ni Janelle.
Natahimik kami habang kinakausap nya ang caller sa kanyang cell phone.
Hindi ko napigilan ang hindi mapakuyom sa aking kamao nang marinig ko ang pangalan na kanyang sinambit.
Ewan ko ba kung bakit kumukulo ang dugo ko kapag naalala ko ang babaeng iyan na palagay ko ay naging kaagaw ng mga mahal ko sa buhay!
Hindi ko pa naman sya nakakaharap pero talagang mainit ang dugo ko sa kanya.
"Tita Sandra called,at pinapahatid nya kami ni June sa kanyang condo unit.She had prepared the dinner for us."
Baling nito sa amin matapos nyang ibaba ang hawak na cell phone.
Pinasadahan ko ng paningin ang ibabaw ng mesa.Ni hindi pa nila natikman ang putaheng niluto ko para sa kanila.
Halos ilang oras akong nakatayo sa kusina kanina para lamang maihanda ang lahat ng ito.Kahit na nga ba nakakaramdam ako ng pagkahilo ay tiniis ko.Tapos,iiwanan lang nila ng ganito?ipagpalit sa pagkain na niluto ng Sandra'ng iyon?
Kung nitong mga nagdaang araw ay nanahimik ako pwes hindi ko na palalagpasin iyan ngayon!
"Walang aalis.."mariin kong sabi na syang ikinasimangot ni Janelle.
"Mom?don't you hear me?naghanda ng dinner para sa amin si Tita Sandra and she waiting for us!"tumaas ang boses nito na syang ikinainit ng aking ulo.
"Then call her back!sabihin mong kumakain na tayo.."pinipilit kong pakalmahin ang aking boses.
"Ayokong magsinungaling sa kanya!Dad,ihatid mo na kami ni June.."baling nya kay November.
"Walang aalis!pag sinabi kong walang aalis..walang aalis!"wala na..sumabog na ako.
"Hindi mo ba ako mabigyan kahit konting respeto man lang?nasa harapan kana ng hapagkainan at kulang nalang ay isusubo mo yung pagkain sa bibig mo tapos magawa mo pang iwanan?gaano ba kahalaga ang Sandra na yan para sa'yo na kaya mo akong iwanan kahit sa isang tawag lang nya?"hindi ko na napigilan ang emosyon na matagal ng nakabalot sa aking puso.
"Hwag mong mamaliitin si Tita Sandra!Dahil malaki ang utang na loob namin sa kanya nang iwan mo kami at magbuhay-dalaga ka sa ibang bansa!"
Halos hindi ako makapaniwala na talagang lumabas ang katagang iyan mula sa bibig ni Janelle.
"Hindi ako nagbuhay-dalaga doon,Janelle nagtatrabaho ako..."hindi ko na napigilan ang paglandas ng maraming luha mula sa aking mga mata.
"Don't lied to me,Mommy!dahil hindi ako bingi para hindi marinig si Grandma habang kausap sa phone si Lolo Reeve."
Nanginig ang aking labi.
"Janelle,oo,inaamin ko...gumawa ako ng maling disisyon...pero pinagsisihan ko na yun,anak!hindi lahat ng naririnig mo ay totoo.Iniwan ko nga kayo,oo!Pero hindi ko inisip na ipagpalit kayo sa iba!bawat segundo..bawat minuto..wala akong ibang iniisip kundi kayo."
Pero parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ko.Nagpatuloy sya sa gusto nyang sabihin.
"Hindi mo alam ang pakiramdam na gusto kitang makapiling,mayakap pero wala nalang akong magagawa kundi ang umiyak dahil wala ka!hindi mo alam kung gaano kasakit na habang nakikipagsaya ka doon...unti-unti naman akong namamatay dito.So,wala kang karapatan para pigilan ako..dahil ang taong pinagkakait mo sa akin?sya ang naging buhay ko Mommy nung wala ka..."
Napahagulgol ako ng iyak.
"Janelle,konting respeto lang ang hinihingi ko...nandito na ako oh?handang lumuhod sa harapan mo para lang maibalik yung nasira mong pagtitiwala sa akin.Nangako na ako na hinding-hindi ko na kayo iiwang muli...kasi Janelle,kahit bali-baliktarin mo man ang mundo ako parin ang Mommy nyo...ako parin yung taong hindi susuko sa inyo..."
Napahagulgol nalang ako sa aking mga palad nang talikuran nya ako at malalaki ang ginawa nyang paghakbang palabas ng dining room.Naramdaman ko din ang tahimik na pagtayo ni June mula sa kanyang upuan at kaagad na sumunod sa Ate nya.
Naiwan kaming nag-iisa ni November.
"Jan,intindihin mo nalang ang anak mo...nagkaka-tantrum si Janelle kapag hindi nakukuha ang gusto.Ihatid ko muna sila and I'll be back.."
Hindi ko na naiintindihan kung ano ang pinagsasabi ni November sa akin dahil hindi ko maawat-awat ang lakas ng iyak ko.Basta namalayan ko nalang na marahan na syang tumayo at tahimik na lumabas mula sa dining room.
Nang mapag-isa ay wala sa sarili na nagwala ako sa loob ng dining room.
"Ahhhhhhhh!!!"malakas kong sigaw kasabay nang pagbalibag ko ng mga pagkain na nakahain sa mesa.
Nagtilapon ang mga yun sa sahig.Doon ko binuhos ang sama ng aking loob.Nang mahimasmasan,saka ako lumabas at matamlay na pumanhik sa loob ng aming silid.
Naupo ako sa gilid ng pinakasulok ng kwarto.Awang-awa ako sa sarili ko.Hindi ko namalayan na nag-uunahan na naman sa paglandas ang maraming luha sa aking pisngi.
Parang sirang plaka kasi na bumabalik sa aking utak ang naging sagutan namin ni Janelle kanina.
Akala ko okay na..akala ko maayos na....pero dahil sa Sandra na yan,muli na naman nasira ang lahat.
Sino ba kasi si Sandra?
☆☆☆