Ramdam ko ang bigat ng aking ulo pero nagawa ko paring imulat ang aking mga mata.Kailangan kong gumising ng maaga dahil maghanda pa ako ng breakfast ng mag-aama ko.
Pero gusto ko tuloy mapamura nang hindi ko maikilos ang aking katawan.Bumaba ang aking paningin sa aking sarili at doon ko namalayan na balot na balot ako ng kumot!
Nakatihaya ako ng higa kaya naman pati kamay ko ay nakapaloob sa loob ng kumot.Inikot ko ang paningin..pamilyar sa akin ang loob ng silid.
Gosh!anong ginagawa ko dito sa loob ng kwarto namin?ang huling natatandaan ko ay nasa loob ako ng library room kagabi at tumutungga ng alak!
Bumukas ang pintuan at iniluwa nun si November na may dalang tray.
"Good morning!"
Nakangisi nyang bati sa akin bago ipinatong sa ibabaw ng study table ang dalang tray.
"Anong ginawa mo kagabi?"hindi ko alam kung saan patukoy ang tanong kong iyon.
"Bumangon kana at kumain habang mainit pa yung sabaw."yun ang namutawi sa labi nya imbes na sagutin ang tanong ko.
"Baklasin mo itong kumot na nakabalot sa akin!papatayin mo ba ako?halos hindi na ako makahinga sa higpit eh!"utos ko sa kanya.
Lumapit sya sa gilid ng kama at marahang tinanggal ang kumot.
"Bakit ba kasi kailangan mo pa akong balutin?"inis kong singhal sa kanya.
Naramdaman ko ang paghinga nya ng malalim bago sumagot.
"Minsan kasi sumisilip dito ang mga bata..lalo na si Janelle,itse-check ka nun kung nandito ka pa."
Tumayo na sya ng tuwid nang tuluyan nang lumuwag ang kumot sa katawan ko.Nakahinga ako ng maginhawa nang tuluyan kong mabaklas ang buong kumot mula sa katawan ko.
Hayyy salamat...
Wala sa loob na ibinuka ko ang magkabila kong paa habang nakadipa naman sa kama ang magkabila kong kamay.Wala lang komportable ako sa ganoong posisyon.
"FUCK!!!"
Napatingin ako sa kinatatayuan ni November nang magmura sya ng malakas na syang ikinairita ko.
"Ano ba November!minumura-mura mo na ako ngayon,ah!?"bulyaw ko sa kanya.
Nakita kong marahas syang napa-facepalm bago nagsalita.
"Hindi ikaw,kundi yang posisyon mo..."malumanay pero madiin nyang sabi.
Agad na napabaling sa aking sarili ang paningin and then my eyes widened!
Ni isang saplot ay wala ako sa katawan?napabalikwas ako ng bangon kahit na nga sobrang bigat ng katawan ko.
Kahit na sabihin pang fifteen years na kaming kasal ni November ay hindi parin maiwasan ang awkwardness sa posisyon ko ngayon.
Shit!napahilamos ako sa mukha habang naka-indian seat sa ibabaw ng kama.
"Para ka paring eighteen years old...hindi na tumatanda.."he murmured na syang ikinainis ko lalo.
"Eh kasalanan mo kung bakit hindi ka naghanap ng kasing-edad mo!"
Inangat ko ang mukha at matapang kong sinalubong ang kanyang paningin.
Napapailing nalang sya at nagkamot sa batok.
"Umahon kana nga dyan..lumamig na yung sabaw,Jany..."
This time may pagsuyo na ang kanyang boses.Tinungo nya ang closet at naglabas ng robe doon habang ako ay tumayo na din at tinungo ang study table na kung saan doon nakalapag ang tray.
Hindi ko naiwasang hindi lingunin ang sarili nang mapatapat ako sa malaking salamin.Tumayo ako doon at pinakatitigan ang kabuuan.
Pinakiramdaman ko ang sarili..mahapdi ang bandang gitna ng aking hita.Kahit hindi na ako magtanong,nagpapatunay na ang mga bakat ng labi ni November sa aking katawan ngayon kung ano talaga ang nangyari kagabi.
Lumapit sya sa kinatatayuan ko at marahang pinasuot sa akin ang hawak na robe.
Pabiro ko syang siniko sabay sabing-
"Napaka-sadista mo talaga pagdating sa kama,November ka!"
Niyakap nya ako mula sa likuran matapos nyang itali ang robe.
"You started it,Jany..."bulong nya sa puno ng aking tainga bago ako hinalikan sa batok.
"Kumain ka na,habang napipigilan ko pa ang aking sarili na hwag kang ihiga ulit sa kama..."
Tumindig ang balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang huli nyang sinambit.
Hindi pa nga ako nakaka-recover sa hapdi na ewan nalang kung ilang beses ba nya akong inangkin kagabi?well...ayoko nang alamin pa!ang mahalaga...napaligaya ko sya.
"Kakain na po!pero teka...bakit hindi mo ako ginising?para ako nalang ang nagluto.Nasaan na ang mga bata?"tanong ko nang bigla kong maalala ang mga anak ko.
"Hinatid ko na sa school."
Haisst....kapalpakan naman ang nangyari sa second day ko.
Naupo ako sa swivel chair katapat ng study table.Kaagad kong dinampot ang kutsara at tinikman ang sabaw.
Hmmm..masarap.
Nilingon ko si November habang abala sa pag-aayos ng higaan.
"At bakit ka nandito?diba dapat nasa opisina ka?"kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Paano kita iiwanan sa lagay mong iyan?"concern nyang sagot.
Nagpatuloy ako sa pagkain nang muli syang magsalita.
"Bakit ba kasi naisipan mong magpakalasing?"
Napalabi ako habang nag-iisip ng sasabihin.
"Wala...na-engganyo lang akong tikman ang isa sa mga collection mo.Are you disappointed dahil binuksan ko ang mamahalin mong wine?"nilingon ko sya sakto naman pag-angat nya ng mukha.
"Jany,it's not about the wine...halos nakalahati mo na ang laman ng malaking bote,do you think may maidudulot iyon ng maganda sa health mo?"
Natigilan ako.At mabilis na binawi ang paningin.Inilagay ko sa pagkain ang buong atensyon.
"Don't too kind to me...dapat nga inaalipin mo ako.."huminga ako ng malalim habang nakatitig sa loob ng mangkok.
"What?"
Nakita ko mula sa peripheral vision ko ang pag-upo nya sa gilid ng kama matapos nyang ayusin iyon.Nakatutok sya sa direksyon ko,alam ko.
"Anong pinagsasabi mo?"tanong nya ulit.
"Masyado ka ng mabait sa akin,mas lalo na tuloy kitang minamahal..."
"And so?anong problema doon?"
"November,may sarili ka ring buhay na inaatupag!ang pagsalo sa problema ng pamilya ko...kalabisan na yun."
Marahas syang tumayo at humakbang papalapit sa akin.
"So,alam mo na ang tungkol doon?"umiling ako.
"Jany,ikaw..si Jane..at June...sa inyong tatlo umiikot ang mundo ko.Wala akong ibang hinangad kundi mapabuti kayo...tungkol sa pamilya mo,inisip ko na pamilya ko narin sila,so what's the big deal now,huh?"
Inikot ko ang upuan para makaharap ko sya.
"Ano ba kasi ang nangyari,November?bakit nabaon sa utang ang pamilya ko."
Umiwas sya ng paningin.
"Jany,wala akong sasabihin tungkol dyan.Kung gusto mong malaman..hwag ako ang tanungin mo.Pero kung ako sa'yo hwag mo nang alamin pa!"
Napuno tuloy ng katanungan ang dati ko ng magulong utak dahil sa narinig.
Ano ba ang meron kung bakit ayaw ni November na malaman ko pa ang tungkol dun?
Paano ako matatahimik,eh negosyo ng pamilya ko ang pinag-uusapan dito?
☆☆☆