Janylly's POV
"Mommy,didn't you miss us?you're four years away from us at ngayon ka lang ulit bumalik pero bakit napakalungkot mo parin?"
Pilit akong ngumiti para ipakita sa bunso kong anak na mali ang kanyang sinasabi ngayon but dammit!
How could i rejoice kung pilit na naman akong sinasaksak ng masakit na alaala ng aking nakaraan?
Akala ko nakalimutan ko na ang lahat...but i was wrong.Nang muli kong masilayan ang mukha ng aking mga anak ay mas lalo ko lang nami-miss ang kanilang Daddy.
Why life is so unfair?
Bakit sya,ang saya-saya na nya sa buhay samantalang ako..heto,at ni hindi parin nakakaget-over sa separation namin?
"Of course baby,i miss you...tired lang siguro si Mommy..."i said in a low voice bago ko sya niyakap ng mahigpit.
Napapikit ako..bakit ang sakit parin?
Sana katulad nalang ako ng iba na kapag nagkahiwalay ay kaagad silang nakakahanap ng kapalit.
Paano kaya nila nagagawa ang madaliang pagkalimot?
Nagmahal ba talaga sila?kasi kung totoo ang kanilang pagmamahal sa kanilang asawa ay dapat katulad ko din sila na patuloy paring nagluluksa hanggang ngayon.
"Aalis ka pa ba ulit,Mommy?"
"No baby...hindi na aalis si Mommy,I'm staying for good,aalagaan ko na kayo ng Ate Janelle mo."
Dahil wala ring silbi ang pagliwaliw ko sa ibang bansa...hindi ko parin nakakalimutan ang Daddy nyo.
Did i love him that much?
*knocked*knocked*
"Jan,nakapag-ayos naba kayo?nasa hardin na ang mga bisita.."
Si Mama ang iniluwa ng pintuan.
Agad kong inayos ang suot ni Juneery bago sinabing mauuna na sya sa labas.
"Magbibihis lang ako,Ma.."
Sagot ko kay Mama bago ako nagpaka-busy sa closet ko.Naramdaman ko ang kanyang paghakbang papalapit sa akin pero iniwasan ko syang lingunin.
Alam ko,masama ang kanyang loob sa biglang pagdisisyon ko four years ago.Sino naman kasi ang hindi magugulat kung bigla nalang akong nagdecide na hiwalayan si November kahit hindi naman nila alam kung ano talaga ang aking dahilan?
Wala akong ibinigay na paliwanag sa kanila ni ate Jassy dahil alam ko hindi rin sila maniniwala kung sakali.Knowing them?sobra nilang iniidolo ang November na yun kaya naman ni hindi nila nakikita ang pagkakamali ng kumag na yun!
"Jan,hindi ba dapat ikaw ang umasikaso sa mga bisita na dumarating?since ikaw ang Mommy ng celebrant.."
Yeah..today was 14th birthday of Janelle kaya nagpasalamat na din ako dahil atleast naabutan ko pa ang special na araw na'to.
"Ma,it's too early..bakit ang aga naman ng mga bisita?"
"My god!nasa Pilipinas ka Janylly at para malaman mo magkaiba ang oras doon sa lugar na pinanggalingan mo!"
Haist!bakit ba ang init ng ulo ni Mama?Sa pagkakaalam ko menopause na sya bago pa pumanaw si Papa...
"Where's Janelle anyway.."pag-iiba ko ng usapan.
"On the way na sila,kasama ang Daddy nya..."
My eye's widened kasabay ng pagharap ko kay Mama.
"What?at bakit kasama ng anak ko si November,Mama?"frustrated kong tanong.
Kumunot ang noo ni Mama bago sumagot.
"Of course!Daddy nya yun...at sino pa ba ang pwede nyang makasama bukod kay November,huh?apat na taon kang nawala...iniwan mo sila,tapos ngayon magtatanong ka?"
Napabuga ako ng hangin.Bakit hindi ako naiintindihan ng sarili kong ina?
"Umalis ako para sa kinabukasan nila,gusto ko silang mabigyan ng magandang buhay!"sabi ko habang tinitimpi ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata.
"Really,Janylly?hindi naman siguro magsisinungaling ang Tito Reeve mo na wala kang ginawa sa loob ng apat na taon kundi magbuhay dalaga doon sa Switzerland,party dito party doon...pero as your mother,may narinig ka ba sa akin?hinayaan kitang magwaldas ng pera doon since inisip ko din na hindi mo nagawa ang bagay na gusto mo dahil sa maaga kang natali kay November.You're too young then,para ipilit ng iyong Papa na ipakasal..pero hijah,ang ipagdamot kay November yung mga anak nyo ay ibang usapan na yun!"
Nagsimula nang nagsilandasan ang maraming luha sa aking mga mata.Mapapatay ko talaga ang Tito Reeve ko for telling such thing!
"Ma,hindi nyo kasi naiintindihan...may pinagdadaanan din ako kaya hindi nyo masisisi kung bakit ako ganito!"mariin pero matigas kong sabi.
"Nagpa-party ako,oo!pero pumapasok din ako sa trabaho para kumita ng pera..."pinunasan ko ang luha na lumandas sa aking pisngi.I hated this tears!!hindi na ako tinatantanan eh!
"Ikaw ang humiwalay sa asawa mo..ikaw ang lumayo!look Jan,November is a good husband to you ever since at ano ang dahilan kung bakit mo nagawa yun sa kanya?"
Because he's cheated on me!gusto ko sanang isigaw yun pero pinigilan ko ang aking sarili.
"Bakit ba sya nalang ang nakikita nyong tama,Ma?at ako nalang ang laging mali?ako ang anak nyo dito...ako ang sinaktan nya!"
"Oh darling,hwag mong baliktarin ang sitwasyon...mahal na mahal ka ni November at alam ko yun...pero nasa 'yo ang problema.See?inalagaan nya ang mga anak nyo while your away.."
"Ma!"
"What?ayaw ng mga bata na tumira dito...gusto nila doon sa bahay nyo kasama ang kanilang Daddy....at sino ba naman ako para ipagdamot iyon sa aking mga apo?kaligayahan nila ang hinahangad ko."
Napa-facepalm nalang ako nang wala sa oras.
Narinig nyo yun?all these year's pala ay nasa pangangalaga ni November yung mga anak ko!
Oh god!what I'm going to do now...
Paano...
Paano kung ayaw nang bumalik ng mga anak ko sa akin?
Paano na ako?
☆☆☆
BINABASA MO ANG
Bukas,karugtong ng Kahapon..
רומנטיקה..sometimes,the ending is just the beginning..