November's POV
Marahan akong pumanhik sa hagdan pagkalabas ko mula sa library room.Pero bigla nalang akong natigilan nang makita kong nakaabang sa taas si Janelle.
"Dad,sa kwarto nyo natulog si Mom.."bungad nito sa akin na syang ikinatigil ko.
Sinasabi na nga ba at may kahulugan yung mga ngiti nya kanina.Narinig ko kasing nagpaalam sa kanya si Janylly na magtabi silang matulog ngayong gabi.
Hindi sya sumagot pero ngumiti lang sya at makahulugang sumulyap sa akin.
"Why in my room?diba dapat sa kwarto mo?"nagpatuloy ako sa pag-akyat.Pero sa totoo lang,gusto ko nang liparin ang silid namin.
"Well,nahiga lang naman ako sa kama nyo...ayun,nahiga din sya na katabi ako tapos bigla nalang nakatulog,so...hinayaan ko nalang."kibit-balikat nyang sagot.
Ako pa ang lokohin mo,Jane!siguradong sinadya nya na patulugin sa kwarto namin ang Mommy nya.
"Okay then,pumasok kana sa kwarto mo at matulog...any plans for tomorrow?"
Saturday kasi bukas at walang pasok.
"Hmm...I'm going out with Tita Sandra,kung hindi naman sya busy."
Tumango nalang ako bilang sagot.Kailan pa kasi hindi maging busy ang isang iyon.
Marahan kong binuksan ang pintuan at deretso sa ibabaw ng kama ang aking paningin.Nandoon nga si Jany,nakatagilid ng higa at mahimbing na natutulog.
Tinungo ko ang kama at marahang sumampa doon.Sakto namang kahihiga ko sa tabi nya ay ang pagdantay ng kanyang braso sa aking dibdib.
Inayos ko ang posisyon namin para mayakap nya ako ng mahigpit.Hindi parin sya nagbabago.Ganito parin ang paborito nyang posisyon kapag natutulog kami.
Pinakatitigan ko ang maamo nyang mukha at marahan kong sinuklay ng aking daliri ang mahaba nyang buhok.
Halos hindi ako makapaniwala na nasa bisig ko na sya ulit ngayon.
Tandang-tanda ko pa kung paano ako nagluksa nung nagdisisyon syang hiwalayan ako.
Sa mismong araw ng pag-alis nya papuntang Switzerland..hinabol ko sya.Pero hindi ko na sya naabutan.Huli na kasi nang malaman ko ang tungkol sa pag-alis nya.
Akala ko nagbibiro lang sya..akala ko gusto lang nyang magpahinga..siguro,dahil napagod na sya sa kaaasikaso sa amin sa loob ng maraming taon.Since,naisip ko din...kailangan ko syang intindihin dahil napakabata pa nya nang akuin ko sya bilang asawa.
Hindi pa sya nagsasawa sa kanyang buhay-dalaga.Kung tutuusin,ako ang may kasalanan kung bakit sya natali sa relasyon nang ganoon kaaga.Sya kasi talaga ang pinili kong pakasalan at hindi si Jassy..na choice ng lahat.
Bata pa ako ay lagi nang pinapaalala ni Lolo sa akin kung sino ang babaeng makakasama ko habambuhay.
Lagi kaming nagkikita ni Jassy kapag may gathering na dadaluhan ang parents namin.
At the age of six...hindi ko alam kung bakit nakaramdam na ako ng pagkadisgusto kay Jassy.Naiisip ko palang na sya yung tinutukoy nila Papa na magiging asawa ko balang araw ay mas gugustuhin kong manatili na sana ako sa ganoong edad.
Lagi kaming pinaglalapit ng parents namin para magkagaanan kami ng kalooban.Kaya naging magkaibigan naman kami.
Madaldal na bata si Jassy at the age of five na minsan ay kinaiirita ko.Pero may isang salita na namutawi sa kanyang bibig na halos nagpalukso sa aking puso that time.
"You know,November?my mother's pregnant!narinig ko ang pag-uusap nila ni Papa sa may sala...magkakaroon na ako ng little sister or brother!"