Chapter 15: Her Impenetrable Father

1.3K 27 1
                                    

***

Chapter 15: Her Impenetrable Father

"No matter how we try to be mature.. we will always be a kid when we all get hurt and cry."

                  – Peter Pan

Agad namang bumukas ang gate at dumadagundong ang ingay na hatid nito. May limang babae na nakasuot ng kulay yellow at white na dress na may red ribbon sa bahagi ng beywang at may sombrero silang parang pang stewardess na kulay red at boots naman na kulay red rin. I guess they are the maids.

They bowed on us and greeted. 

"Herzlich Willkomen [Welcome] Miss Selene Charity and Sir Ki." sabay nilang bati. 

Mukhang ito yung buhay na hindi ko aakalain. Dumako ang direksiyon nila kay Yuan. Oo nga pala isinabay lang namin si Yuan rito para na rin makapagmeryenda siya at makainom ng gamot. Umabante si Kuya at may ibinulong sa isang babae na nasa unahan, namula pa ang pisngi nito nang halos magkalapit ang kanilang mga mukha. 

Base sa mga physical aspects nila, nasa 20's pa ang mga ito na kaedad lang ng aking kapatid. They are all German I think base na rin sa kakaiba nilang mga pustura, ang kurba ng katawan, ang tangos ng ilong at ang kulay gintong buhok. Maging ang kanilang mga mata na may kulay brown, blue at grey.

Parang ako nga ang nagmukhang maid sa kanila eh. 

Ngumiti ang babae kay Yuan at may ibinulong rin sa ibang kasama.

"Herzlich Willkomen Sir Yuan." sabay pa rin nilang bati.

Ngumiti naman si Yuan at lumapit sa babaeng binulungan ni Kuya. Hinalikan nito ang kamay ng babae maging sa iba.  Yucks. Ang landi niya. Mukhang hindi na niya kailangan ng gamot base sa ipinapakita niya. Babae pa lang gamot na niya. Aish!

Ngumiti naman ang limang babae bilang ganti at nagbow sa kanya. Bumungisngis naman ang monggoloid na bumalik sa akin.

"Ang gaganda ng mga maid niyo, hihi."

Inirapan ko na lang siya.

"Pero mas maganda ka Selene."

Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya.

"Yeah, whatever." tugon ko na ikinatuwa niya lang.

Inihatid na kami ng babae na linapitan kanina ng aking kapatid sa may pinto ng bahay, kahit front door sobrang laki, paano na lang kaya sa loob nito? 

"Er wartete auf den sala sir und Ma'am." wika nito. 

Errr. Ano raw? Kailangan ko na talagang mag-aral ng german language.

Lumapit si Yuan sa akin at bumulong. 

"She said your father is waiting on the sala." bigkas nito. 

I breathe anxiously. Nagsimulang manginig ang aking kamay.  

Bakit nga ba nanginginig ako? Am I scared? Why would I? Or should I say ayaw ko siyang makita dahil sa pang-iiwan niya sa amin na hindi man lang sinabi ang dahilan. 

The door opened as my heart beats fast. 

Bumungad sa akin ang kulay golden yellow na stair at isang golden yellow na Chandelier. Wew, ang elegante ata lahat ng makikita mo rito. 

Inikot ko ang tingin sa buong paligid hanggang sa tumapat ang aking paningin sa isang taong nakasuot ng kulay black na coat at nakatalikod habang may hinihithit itong sigarilyo. Base sa awra nito, he is my Father. 

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon