***
Chapter 32: Behind the Camera
"The more unintelligent a man is, the less mysterious existence seems to him."
– Arthur Schopenhauer
"A-Anong nangyari kay Selene?"
"Selene?"
Bungad nila Duri at Gyeong sa amin ni Min. Maging sina Matthew, Jun at Shin ay nag-iba rin ang reaksiyon nang makita ako.
Nakahawak ako sa balikat ni Min habang nakahawak ito sa aking beywang. Lumapit sina Duri, Gyeong at Shin sa akin. Pero pansin ko, wala ata si Louie? Asan kaya yun?
"Akala ko ba ay may dumakip lang sa kanila ni Tan, but it seems they tortured them." galit na wika ni Duri.
"Min? Anong ibig sabihin nito? Selene?"
Sunod-sunod na tanong ng dalawa. Sasagot na sana si Min sa sa dalawa nang sumingit si Shin.
"Tama na yan. Sabay-sabay na tayo sa hospital." suhestiyon ni Shin na sinang-ayunan ng lahat.
Hindi na ako umimik pa nang naramdaman kong nagiging mas madilim na ang paningin ko.
"Selene gumising ka na diyan."
"Ma naman eh."
"Sige ka hindi ka masasali sa family picture."
"Gusto ko pang matulog eh."
"Selene. Sige na."
"Oo na."
Nasa kwarto ako kasama si Mama habang sinusuklayan niya ako. Nakangiti ako sa kawalan habang dala–dala niya ang lungkot na eksprisyon sa mukha.
"Selene. Hawakan mo itong camera ko."
"Ano pong gagawin ko rito?"
"Itago mo yan."
"Mmmm."
"Gising na siya."
"Selene."
"Mama."
"Ayan na naman siya."
"Kailan niya ba kasi matutuklasan kung sinong pumatay sa Mama niya?"
"I know she can. She always has the right decisions, so I know that she can find the murderer."
"Mama."
"Selene."
Bigla kong iminulat ang aking mga mata. They are all staring on me with different emotions. Tumingin ako sa direksiyon ni Min na nakaupo sa sofa katabi ni Matthew at Jun. Mukha atang nagiging close na sila ni Matthew. That was really good to know.
Tumingin rin ako sa direksiyon nila Shin at Gyeong na nakahawak sa kamay ko. Habang si Duri nama'y nakatayo lang at nakatingin sa akin ng seryoso.
Lumihis ang direksiyon ng aking mata sa may mesa. It was my brother who is sleeping peacefully.
"Ano na ang nararamdaman mo Selene?"
"How are you?"
Sabay na sambit ni Min at Duri. I smiled. Babangon na sana ako nang biglang sumakit ang likod ko.
BINABASA MO ANG
MOMENTUM (Book I of Momentum Series)
Mystère / ThrillerSelene Charity Martin, a high school student, was forced to be a detective to seek vengeance about her mother's murder case 7 years ago.