***
Chapter 45: Into the Beginning
"Every ending is just a new beginning."
- Unknown
If I can bring back the past, I'll surely fix everything that had been destroyed by few people.
How does it feel to be in an abyss of hell and pain? Because it slowly crawling into your body and penetrates your soul.
If I can change the world, I want it to be like before. No problems. No burdens. No wars. No more cry. No more sorrows. And no more death.
"Makikita na kita Ma."
Ramdam ko ang bawat luha na dumadaloy sa aking pisngi.
"Makikita na kita anak."
Bigla akong napalingon sa nagsalita ngunit kasabay ng aking paglingon ay ang malakas na pagbagsak naming dalawa ni Min sa sahig.
Napahawak ako sa aking balikat at napadaing sa sakit.
Lumingon naman ako kay Min na may tama sa braso nito.
"M-Min!" singhal ko ngunit parang wala lang akong naririnig mismo sa aking sinabi.
Nabibingi ako dahil kasabay ng ingay na galing sa mga paputok sa labas ay ang gawang ingay rin ng mga baril nila Sean, Aki, Florence at Hans at ng ilang taong nakita kong pumasok rito sa loob ang umalingawngaw. Ngunit unti-unti ng lumalabo ang aking paningin.
Napatingin ako sa relo, 1 hour and 40 minutes before new year.
Matatapos na ba ito?
Muli akong napalingon sa taong halos kasama ko sa pag-iimbestiga mula noong first year pa kami. Nakangiti ito sa akin sabay hawak sa aking pisngi.
"M-Min." nanghihina kong wika. Muli itong ngumiti.
"Lumingon ka sa harapan m-mo Boo." sambit nito.
Nakaramdam ulit ako ng kakaibang sensasyon sa aking katawan. Ang malakas na pagtibok ng aking puso, ang pag-init ng aking pisngi at ang hindi mapigilan kong luha na kanina pa umiiyak.
Lumingon ako sa tinuro ni Min. Mas lalo akong umiyak at mas lalong tumibok ang aking puso.
"Mama."
Lumapit ito sa akin at agad akong niyakap.
"Charity anak." sambit ng isang magandang boses na parang musika sa aking tenga.
"Mama." naiiyak kong wika ngunit bago ko pa man mahawakan ang kanyang pisngi ay nawalan na ako ng malay.
"Hahaha. Sige na po,tama na! Ah! Hahaha."
"Andiyan na ako."
"Tama na po ma, nakikiliti na ako. Hahaha."
"Ikaw ah. Ayaw mo talagang sabihin kung sino ang crush mo ah. Heto ka."
"Ma naman! Hahaha."
"Anak, sana mapatawad mo ako."
"Selene my labs!"
"Selene."
Pinagmasdan ko ang mga iba't-ibang disenyo ng fireworks na pumuputok sa langit.
They are all beautiful. I hope I just can be like them. I'll blow beautifully in the skies, and will disappear after the creative scene.
BINABASA MO ANG
MOMENTUM (Book I of Momentum Series)
Mystery / ThrillerSelene Charity Martin, a high school student, was forced to be a detective to seek vengeance about her mother's murder case 7 years ago.