***
Chapter 43: Hidden Memory
"Hope is being able to see that there is light despite of all the darkness."
– Desmund Tutu
"Tan?" nagtataka kong sambit.
Bakit siya nandito? Agad ko siyang niyakap kaya mas nabigla ito.
"H-Hey Selene. Tumitibok-tibok na naman ang puso ko." bara nito sabay hawak sa aking likod.
Napangiti ako.
"Kahit kailan ka talaga, ano?" wika ko at umalis na sa pagkakayakap sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" puna ko.
Napakamot ito sa ulo.
"Papunta ako sa inyo nang nabalitaan ko ang nangyari, pero nakita kitang nagmamaneho kaya sinundan kita. Kaso nakita ko siya." wika niya sabay turo sa babae.
Tumingin ako rito. Napahawak naman ako sa aking bibig.
"Aki." bulong ko sa hangin.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang leeg. Buhay pa siya.
"Anong nangyari?" bungad ko sa babaeng nasa tabi ko lang.
Lumingon ito sa akin.
"Nabigla na lang kami nang may pumutok sa bahay niya. Nang pumunta kami, heto nakahiga na siya." tugon nito.
Tumingin akong muli kay Aki. Kung may pumutok bakit wala siyang natamong sugat?
"Anong oras nangyari?" puna ko.
"Sampung minuto na ang nakalipas." sagot nito.
Really? 10 minutes. Tumingin ako kay Tan.
"Anong oras kang nakarating rito?" tanong ko.
"15 minutes. Ibig sabihin limang minuto lang ang nakalipas simula nong dumating ako." wika nito.
Halos magkasabay lang pala kami. Lumapit akong muli kay Aki. Wait, bakit may mga maliliit na mga polboron? Mas lumapit pa ako. Hmmm, kaya pala. Ang inaakalang binaril ito ay pampaingay lamang upang malaman nila ang nangyari rito at pumunta.
Pumasok ako sa loob ng bahay ni Aki na sinundan naman ni Tan.
"Anong gagawin mo? Mag-iimbestiga ka na naman?" mangha nitong sambit.
"Yes. Just also find some sort of things." tugon ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Pumasok ako sa kwarto ni Aki. Medyo malaki rin ito at punong-puno ng design na dream catcher. May ilan ring mukha nila Chris Evans, Emma Watson at ni Cole Sprouse na nakadisplay. Iba talaga to si Aki. Gustong-gusto ang mga western actors.
Her bed is a king size. Ang ikinapagtataka ko lang ay bakit nandito siya kung sa Dorm na siya nakatira?
Coincident lang ba ang nangyayari? Kung kailan pumunta ako rito sa dating bahay ay may nangyari?
Hinalungkat ko ang cabinet niya pati ang maliit na box na nakapatong sa unan. Kinuha ko ito at binuksan.
Nanlaki ang aking mata.
BINABASA MO ANG
MOMENTUM (Book I of Momentum Series)
Mystery / ThrillerSelene Charity Martin, a high school student, was forced to be a detective to seek vengeance about her mother's murder case 7 years ago.