***
Chapter 11: Captivated
Monday
Our semi-fnal examination. And the day I wil be going to Germany.
I looked at my watch. It was still 4 in the morning. Napaaga kasi ang gising ko kaya di na ako natulog muli. I am in the sala right now habang nagbabasa sa reviewer paper ko.
Mas maganda kasi kung sa umaga ka nagrereview o nagbabasa gaya ng libro. And that was my hobby since then. Kaya nga lang paminsan-minsan nagsusuot ako ng eyeglasses.
6:40 am
Halos lahat ready na sa exam. Pero di ko pa nakikita ang President namin na si Shin at si Louie Kim na Vice President niya. Asan kaya sila? Sila dapat ang nangunguna rito sa pag-arrange ng mga upuan.
"Good morning class."
Napalingon ako sa nagsalita and it was Miss Jenny. Crap! Ngayon ko pa naaalala na kakausapin pala namin siya tungkol sa boyfriend niyang maaaring may alam sa underground business.
Tsk. Mamayang hapon na lang bago ako aalis ng bansa.
"So as of today class, since wala pa naman ang iba at malapit ng mag-alas siyete, we will start the exam then." usad nito at pinaupo na kami sa mga assigned sits namin.
Katabi ko si Gyeong sa right side habang si Louie sa left side na hanggang ngayon wala pa kaya nanatili itong bakante. Habang si Min katabi ni Duri na 2 chairs ang pagitan namin sa likod.
And they are actually staring to each other. Parang nag-uusap na ewan di ko alam. At pawang nagkakaintindihan pa silang dalawa.
Hindi ba nag-iinit ang dugo ni Min sa kanya? Bakit sila nag-uusap? And take note, yung tipong masinsinan talaga ang pag-uusap nila.
Napagawi na lang ang tingin ko kay Gyeong nang kinalabit ako nito at dala-dala ang nagtataka ring eksprisyon sa mukha.
"Naninibago ka rin ba Selene sa kanilang dalawa?"
Napaisip ako sa sinabi ni Gyeong.
"Kayo rin naman ah nagiging close. Eh hate mo siya at the first place, right? At isa pa sa tingin ko hindi sila close sadyang may pinag-uusapan lang silang dalawa na alam nating nagkakaintindihan sila." sagot ko kay Gyeong.
Well, maaaring tama ang hinala ko pero maaaring mali rin naman. Napakamot ito sa batok at tiningnan ako na parang nahihiya.
"Ah, eh. Napansin mo pala yun? Grabe ka talaga magmasid. We're not close at tsaka that day may itinanong lang siya sa akin." defend nito.
Tila napukaw ang aking karimlan sa isiniwalat ni Gyeong. Tanong? At ano naman kayang klaseng tanong yun?
"Anong tanong ba yan?" nasa tono kong interesado.
Minsan talaga kapag "Unidentified" ang isang tao sa akin na nakikita ko ay napag-iinteresan ko pag may nakita o narinig akong kakaiba sa kanya. Especially when it comes to investigating things.
"Ah, kung anong oras raw umuuwi si Shin." sagot nito.
Aba't bakit nagkakainteres siya kay Shin?
"Anong sinagot mo?"
"Sakto alas tres ng hapon. Pero sinabi niya sa akin na alas singko ng hapon na raw nakauwi si Shin nong isang araw kasama si Louie."
Napataas ang kaliwang kilay ko. That was quite intrigue.
Nakasanayan na ni Shin na umuwi ng alas tres ng hapon. At di siya sumasabay kay Louie dahil ayaw niya rito. Pero paano't alam ni Duri na alas singko na silang umuuwi unless sinusundan niya talaga ang dalawa.
BINABASA MO ANG
MOMENTUM (Book I of Momentum Series)
Mistero / ThrillerSelene Charity Martin, a high school student, was forced to be a detective to seek vengeance about her mother's murder case 7 years ago.