***
Chapter 42: Reality Slaps
"Life isn't about finding yourself. Life is about creating yourself."
– George Bernard Shaw
"Someone you did not expect to do it."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Ngunit hindi na ito sumagot kaya naalerto ako. Lumingon ako sa bintana, may maliit ito na butas, muli akong lumingon kay Sir Joey. Hinawakan ko ang leeg nito, unti-unti itong humihina.
Hinanap ko sa katawan niya ang bagay na sigurado akong ginamit sa kanya. Hinawakan ko siya sa kaliwang braso nito na mismong nakadirekta sa bintana at nakita ko ang isang maliit na palaso. Pumunit ako sa kumot niya at kinuha ang palaso at itinago sa bulsa.
Agad akong pumunta sa may bintana, sinilip ko ang butas at nahagip ko ang lalaking nakaitim na pababa na ng hagdan sa tapat na building rito.
Agad naman akong tumakbo ako papunta sa pinto na ikinabigla ng lahat.
"Anong nangyari?" bungad ni Duri.
"May pumana sa kanya at pababa pa lang ito sa hagdan na nasa katapat na building." tugon ko at lumingon kay Inspector Park.
"Let's go!" sigaw nito sa dalawang pulis at tumakbo sila papuntang fire exit ng room ni Sir Joey.
Habang ang isang pulis nama'y pumasok sa loob. Hinawakan ko ang kamay ni Duri at tumakbo na rin kami.
Nanatili akong nakatingin sa kanila. Naalala ko noong hinahabol namin kanina ang shooter ni Sir Joey. Akala ko siya na ang taong hinahanap ko.
"Wala ka ng matatakbuhan!" singhal ni Inspector Park sabay turo sa baril nito. Aish! I hate to see gun because it reminded me of someone.
Itinaas nito ang dalawang kamay sabay tapon sa hawak nitong maliit na bow ng palaso. Ano ito? Robin hood? The heck!
"Ikaw ang lumason kay Sir Joey sa kulungan." maawtoridad kong wika.
"So what then?"
Hindi kaya siya yung kasama ni Louie na inis na inis sa akin habang dinadakip nila kami? Tsktsk.
"Sino ang nag-utos sayo na lasunin at ngayo'y patayin si Sir Joey?" tugon ni Duri.
Tumawa ang lalaki.
"Kawawa ka dahil kahit anong gawin mo ay hindi mo siya makikilala." nakangisi nitong sambit.
Tinignan ko naman siya na parang naaawa at nandidiri.
"Mas kawawa ka. Bakit mo sinasayang ang sarili mo sa pagpatay at pagsunod sa taong sumisira ngayon sa buhay mo, huh?!" galit kong wika.
Bigla itong napatigil sa pagtawa.
"Wala kang karapatan na sabihin iyan sa akin! Si Boss ang tumulong sa akin para makatakas ako sa pamilyang yun!" nanggagalaiti nitong sambit.
Dahan-dahan kong kinuha ang palaso sa bulsa na nasa cellophane. Pinagmasdan ko siya.
Kung hindi niya masabi kung sino ang boss niya, ang tumulong at pumatay kay Sir Joey at ang maaaring nagpapatay rin kay mama, Hindi kaya takot lang siya at hindi utang na loob ang nakikita niya rito? Huh. Pitiful.
BINABASA MO ANG
MOMENTUM (Book I of Momentum Series)
Mystery / ThrillerSelene Charity Martin, a high school student, was forced to be a detective to seek vengeance about her mother's murder case 7 years ago.