Chapter 26: The Exchange Student

1K 29 1
                                    

***

Chapter 26: The Exchange Student

"Making a big life change is pretty scary. But, know what's even scarier? REGRET."
                   
                     –Unknown

"Owen Yuan?"

"Yes Selene!" wika nito sabay ngiti.

Anong ginagawa niya rito?

"Owen Yuan?" halos sabay-sabay nilang sigaw habang ang ibang classmates ko naman ay parang nakakita ng sikat na sikat na artista.

Habang si Yuan naman ay parang walang narinig at nakatitig lang sa akin. The heck with this guy?! Anong ginagawa niya rito?

Biglang lumapit si Matthew at Tan kay Yuan at sinuri ang buong katawan nito pati tindig. Hindi ko maipagkakaila na dahil sa kagwapuhan niya ay nagmukha na itong babae.

"Taga-saan ka ba at bakit ata magkakilala kayo ni Selene?" wika ni Matthew kay Yuan sabay lapit nito sa mukha sa lalaki.

Yay! Para talagang bading. Ano bang trip nito?

"Oo nga. Sino ka ba? At sinabi mo pang ikaw ang magiging partner ni Selene my loves sa Christmas ball?" segunda ni Tan sabay winked sa akin.

Aish! I'm not actually that most pretty face, but why I experiencing these situations?

Lumayo ng kaunti si Yuan at tinapik nito ang pisngi ni Mattew.

"We became friends in Germany." sambit nito at tuminging muli sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa lalaki at bumaling kay Min na nakatingin kay Yuan. No other emotions just that curiosity. Habang si Duri naman ay ganon rin. Kahit ako naman ay curious kay Yuan, even Duri and Louie.

Speaking of Louie, nakatingin lang din ito kay Yuan na para bang kinakalkula ang nakikita nito.

"Totoo ba ang sinasabi niya Selene?" wika ni Gyeong.

"Yes." tipid kong sagot at kinuha ang kamay ni Yuan.

"Excuse us for a while." puna ko at hinatak na ang lalaki na nagpadala naman.

"H-Hey Selene!" singhal ni Baek.

"Teka my labs! Hay, mabuti pa siya hinawakan ang kamay." narinig kong hirit rin ni Tan.

Si Tan talaga nakakaewan. Minsan naisip ko kung magugustuhan ko ba si Tan pero sadyang parang kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya. And I like to be his sister.

"Saan ba tayo pupunta Selene? Itatanan mo na ba ako?"

Muntik na akong nasamid sa sinabi ni Yuan kaya bigla akong napahinto sa paglalakad at kinuha ang kamay sa pagkakahawak nito.

We are on the stairs between 1st and 2nd floor. Liningon ko ang lalaki at tinitigan ito ng masama.

"Wala akong balak na itanan ka at wala nga akong boyfriend since birth eh. At isa pa, hindi ba nasa Germany ka? Ano bang ginagawa mo rito?" naiinis kong sambit.

Pinitik nito ang noo ko at tinitigan ako ng sandali.

"Hindi mo ba ako babatiin muna ng "Oh Yuan! Long time no see?" Like that Selene?"

Nang-aasar na naman ba siya?

"Long time no see?" mataray kong wika.

Pinitik ulit nito ang aking noo sabay tawa. Agad ko naman siyang tinapakan sa paa kaya napasigaw ito.

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon