***
Chapter 40: Getting Normal
"Your visions will become clear only when you can look into your own heart. Who looks outside, dreams; who looks inside, awakes."
– C.G Jung
"Selene, saan ka pupunta?"
"Sa likod po Papa."
"Anong gagawin mo doon."
"May kukunin lang po ako."
Pumunta siya sa likod ng kanilang bahay at hinukay ang lupa.
Hinawakan niya ang nakalagay rito na kwintas. Kulay puti at may blue star. Itinago niya sa bulsa ang kwintas at agad na naglakad.
Dahan-dahan kong minulat ang aking mata, hindi ko alam pero parang nanghihina ako.
At first, I didn't see anything and I thought I was blind pero ito nga pala ang epekto kapag galing sa pagkakatulog. Hinawakan ko ang aking kwintas sa leeg na bigay ni Mama, it's been 12 years that this necklace was with me.
Una kong nakita si Duri na nasa gilid ng kama at nakapatong ang ulo nito. Umikot rin ang aking tingin sa paligid, si Jun na nakatingin sa akin ang pangalawa kong nakita.
"Selene, gising ka na." manghang sambit nito at lumapit sa akin.
Ngumiti ako at tatayo na sana nang biglang kumirot ang aking balikat.
"Ah!" daing ko kaya biglang nagising si Duri.
"S-Selene." wika nito at humawak sa aking braso.
"Gising ka na." puna nito.
"Asan si Papa? Si Min?"
Nawala ang pag-alala nito sa mukha at napalitan ng simangot. Napakunot noo naman ako. What the heck with this guy?
"Hahaha. Hindi ba? Sabi na eh." natatawang sambit ni Jun.
"Tsk." tugon ni Duri.
"Asan si Papa?" muli kong sambit.
Bigla itong tumahimik at umayos sa pagkakaupo.
"Ayos na siya." tugon nito.
Nakahinga ako ng maluwag.
"Asan na siya ngayon?"
"Bumalik na siya sa Germany."
Napalingon ako sa may pinto. It was my brother kasama si Min. Nakatingin lang ako kay Min na may dalang prutas. His emotion was unpredictable today. Hindi ko mabasa ang isang Min. Anong iniisip niya?
"Kailan lang? Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin?" tanong ko.
"Natutulog ka pa nung umalis na siya. May emergency lang daw kaya hindi na niya hinintay na magising ka."
My brows rise.
"Emergency? Anong klaseng emergency?"
Napalingo naman ito.
"Hindi niya sinabi sa akin kaya hanggang ngayon sinusubukan kong malaman. May narinig si Min sa katawag ni Papa mula sa Germany na sa tingin niya ay ito ang bumalitang may emergency." salaysay ng aking kapatid.
BINABASA MO ANG
MOMENTUM (Book I of Momentum Series)
Mystère / ThrillerSelene Charity Martin, a high school student, was forced to be a detective to seek vengeance about her mother's murder case 7 years ago.