***
Chapter 38: Confusions
"People think depression is sadness, crying, or dressing in black. But people are wrong. Depression is the constant feeling of being numb."
– Unknown
Hinawakan ko ang lapida na may nakalagay na pangalan ni Mama.
"Paano't nandito ang puntod ng iyong Ina?" panimula ni Duri.
"Yan na nga ang ikinapagtataka ko dahil nasa likod ng aming dating bahay ang puntod ni Mama."
Hindi naman pwede na wala ang puntod ni Mama sa dati naming bahay at nandito talaga. How come?
Naramdaman kong may tumulo mula sa aking mata na hindi ko napigilan. As long as the murderer is not in my own hands, I will never stop investigating.
"So you already saw it, huh?"
Agad kong pinunas ang luha sa aking pisngi at lumingon sa may pinto.
"Voldemort." malamig kong wika sa kanya.
Naramdaman kong mas lumapit si Duri sa akin maging si Min. Are they protecting me? Am I that really need to be protected?
Lumapit ito sa amin kasama ang isa pang lalaki na nakamaskara.
"A-Ano ang ibig sabihin nito?" pigil kong wika.
Kahit hindi ko sabihin sa kanya ang gusto kong iparating alam ko namang alam na niya ang sinabi ko.
Napatingin ako sa lalaki na papunta sa amin. Siya si Six. Sino ka Six na nasa likod ng maskara?
"It was your Mother's grave." diretsang turan ni Voldemort.
My brows rise.
"Nababaliw ka na ba? Nasa Byekuk ang puntod ni mama. Sino ka ba para sabihin mo iyan?!"
Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Min sa akin at ni Duri na nakahawak sa aking balikat.
"You really don't know who is your Father, huh? Ito ang lugar kung saan kami nagtatrabaho noon kasama si Lee, ang iyong ama at marami pa. It was became our site for secret intelligence ng bansa. Parang bahay na namin ito, dito niya na rin nakilala si Sandra. At dito rin nawala ang pagkakaibigan namin. Ngayon Selene, gaano mo kakilala ang iyong ama?" salaysay ng lalaki.
Nanatili akong nakatingin kay Voldemort na unti-unting lumalapit sa amin. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Min sa akin. My hands are shaking even my heart beats two times faster.
"David was my bestfriend and his step-brother Lee. Habang ang iyong ina ay isang secret detective na ipinadala sa aming kampo. Your Father and I started to like Sandra. But one day, dahil sa isang pagkakamali, napatay naming dalawa ang isa sa aming kasamahan na si Alexander Tao. Para matago sa lahat, iniba niya ang usapan at ako lang ang itinurong na nakapatay kay Alex." puna nito.
Mas lumambot ang aking tuhod dahil sa narinig. Totoo ba papa? Totoo ba ang sinasabi ni Voldemort?
Hinawakan ko ang aking tenga nang nagsalita na naman siya.
"Ngayon Selene, sino ang tunay na nagtatago ng sikreto sa iyo?"
His voice is echoing throughout my ears and mind.
Napahawak ako sa aking tainga, ayoko. Ayokong marinig ang lahat ng ito. Ayoko!
Please.
BINABASA MO ANG
MOMENTUM (Book I of Momentum Series)
Mystery / ThrillerSelene Charity Martin, a high school student, was forced to be a detective to seek vengeance about her mother's murder case 7 years ago.