***
Chapter 41: Seeking Answers
"There are some questions that shouldn't be asked until a person is mature enough to appreciate the answers."
– Anne Bishop, Daughter of the Blood
"Samahan mo ako sa Welbourne Jail." wika ko kay Duri.
Napakunot noo naman siya sabay hawak sa aking balikat.
"I won't let you."
"Please." nanghihina kong wika.
I need to do this. Hindi sapat para sa akin ang nalaman ko. Hindi ako kontento.
Huminga ito ng malalim at ipinikit ang mata.
"If you are not my inspiration, I will not let it happen." sambit nito sabay hawak sa aking kamay.
"Let's go." puna niya at nagsimula na kaming maglakad.
Duri. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad kami palabas ng subdivision.
"Natutunaw ako Selene. Baka mamatay na ako sa kilig rito." wika nito habang nakatingin pa rin sa kalsada.
Napatawa na lang ako.
"You are really like Tan. Really like him." pag-iiba ko ng topic.
Napahinto ito kaya nauntog ako sa dibdib niya.
"Duri!" daing ko sabay layo sa dibdib niya.
Hinawakan nito ang aking kamay sabay angat sa aking mukha para makita ko siya.
"Alam mo Selen. Okay na sana yung tawag mo eh kaso may karugtong na you are really like Tan. Tsk." reklamo nito.
Muli akong napatawa.
"Tan is one of my friends. Matagal ko na siyang kilala at nakikita ko siya sa'yo." sambit ko at naglakad na.
Hindi ko na narinig pang sumagot ito bagkus ay sumunod na rin ito sa akin.
Naramdaman ko ang mga malalaking bato sa kalsada habang binabaybay namin ito papunta sa gate ng Welbourne. Hanggang sa boundary lang kasi ang mga pampasaherong sasakyan di katulad sa Capricorn na nakakapasok sila hanggang gate maging sa loob. Mas tumatagal mas nararamdaman ko ang sikat ng araw kahit may dala kaming payong.
Hindi ko namalayan hanggang sa narating namin ang sinasabi nilang napakasecure na kulungan sa bayan. Ang Welbourne.
Nasa labas na kami, pinagmasdan ko ang kulay grey na malaking gate. Maraming mga kulay berdeng maliliit na dahon at mga lawa ng gagamba na nakabitay sa bawat sulok ng gate. Ngunit mas nakakatawag pansin ang nakasulat na Welbourne Jail na gawa sa metal sa gitna ng gate.
Lumapit si Duri sa isang screen na nasa kanang bahagi ng gate. May sinabi ito bago lumapit sa akin. Naghintay kami ng ilang minuto bago ito nabuksan.
And now, I can clearly see the whole pace of the place. May mga bench at mga malalaking puno, may isang canteen at may mga iilang sasakyan na nakaparada sa parking lot nitong lugar. May nahagip rin akong office ng mga pulis na nasa gilid ng gate. It seems they are the one who are guarding the place from outside even inside.
"Let's ask them kung nasaan si Sir Joey." panimula ko kay Duri.
Tumango ito at lumapit na kami sa dalawang pulis na nag-uusap sa may canteen. Pinagmasdan ko ang pulis na nakatalikod at kinakausap ang kasama rin nitong pulis na medyo maputi at payat.
BINABASA MO ANG
MOMENTUM (Book I of Momentum Series)
Mistero / ThrillerSelene Charity Martin, a high school student, was forced to be a detective to seek vengeance about her mother's murder case 7 years ago.