Chapter IX
VIncent is having a heavy heart. Sumama masyado ang araw niya nang maalala niya ang Hunter na iyon kaya mas gusto niya pang ishut down na lang ang utak niya at matulog. Pagkauwi nila dumiretso na siya sa kwarto at padapang humiga sa kama. He didn't even bother to take off his shoes. It only took him several minutes for him to fall completely asleep.
After half an hour..
Biglang lumundo ng malakas ang kama at daig pa ni Vincent ang nahulog sa bangin sa sobrang lula kaya agad siyang nagising at napaupo. Nagulat pa siya nang makita ang dalawang unggoy niyang kapatid. Maiinis na sana siya ng todo, paglingon niya sa kanan nakita niya si Sky nasa tabi niya pala, nabigla siya at hindi niya maitatanggi ang saya at kabang naramdaman niya ngayong napakalapit ng mukha nila sa isa't isa. Natulala siya at di nakapagsalita, si Sky kasi nakatitig rin ng maigi sa kaniya, naputol ang lahat nang biglang tumawa yung dalawang unggoy ng pagkalakas lakas!
'kahit kailan talaga asungot tong mga to' inis na sabi ni Vince sa sarili
"Why are you all here in my room?!" Nagpipigil ng Inis na tanong niya
"Vince kasi we're hungry.. Yayayain ka sana naming magdinner" sagot naman agad ni Sky sa kanya.
Pagbaling niya kay Sky nakangiti ito sa kaniya ng napakainosente, He wants to cup her face and kiss her both cheeks but he lets himself be contented by pinching her nose.
"Wait for me downstairs, bago pa magbago ang isip ko" at biglang bumaling sa mga kapatid niya "OUT NOW." mahinahon pero maawtoridad na sabi niya.
Nagmamadali namang tumayo ang tatlo, Kevin and Marcus are having a hard time suppressing their laugh but Sky remains silent. Napansin niyang parang may malalim na iniisip si Sky kaya bago pa ito lumabas ay pinigil niya ito.
"Sky is there something wrong?" Tanong ni Vincent habang nakahawak sa magkabilang balikat nito
Sky looks dumbfounded, hindi ito makasagot until they heard her stomach growl.
"Grrrrr..."
Sabay silang napangiti, their eyes are smiling to each other as well, until the smile grew into a laughter. Si Vincent na ang umawat sa sarili niya at baka hindi niya pa mapigil at kung ano pa ang susunod na magawa niya.
Marahan niyang itinulak si Sky palabas. "Alis na. Magpapalit lang ako ng shirt."
Mukha paring nabibigla si Sky habang nakatingin sa kanya.
"Bakit ba ayaw mo pang umalis?"
Nakatitig pa rin si Sky, she looks like she was about to say something but can't find the words to say anything.
"Whatever halika na nga."
Yun lang at walang sabi sabing hinawakan niya sa may pulsuhan si Sky at iginaya palabas ng kwarto
