Naiwan.

63 0 0
                                        

Chapter XVI

"Sleepyhead.." Salubong ni Vincent kay Sky when she open her eyes, nakaupo ito sa gilid ng kama at nakatingin sa kaniya.

Nilibot niya ang paningin at nakita niyang nasa loob siya ng kwarto.

"You're still sleeping when we arrive, si Hunter ang nagdala sayo dito kanina para daw komportable kang makahiga."

"Ah eh asan pala sila?" maang na tanong ni Sky

"He's with the monkeys, nagskate."

"Oh bakit di ka sumama? Anong oras na ba.." She yawned and started to get on her feet.

"12:30 na kasi and you haven't eaten since what 6? 7? So I decided to stay. Wala rin sila Sarih kaya walang tao rito kung magigising ka, and you took forever to wake up."

Ang tagal nga niyang nakatulog, naalala niyang nananaginip siya pero hindi niya na matandaan kung anung napanaginipan niya.

"Tara na sa baba, I was about to eat lunch kaya ginising na kita." Sabi ni Vincent habang papalabas na ng kwarto.

"Sige susunod na ako.." Ang bait talaga ni Vincent sa kaniya, he reminds her of her dad. Same level of thoughtfulness, mas malambing nga lang ang daddy niya. Pagbaba niya sa dining area nadatnan niyang nakaupo na si Vincent at hinihintay siya.

"Upo ka na, kain na tayo." yaya nito sa kaniya.

"Hindi ba natin sila hihintayin?"

"Kumain na sila kanina bago umalis."

Nakaramdam naman siya ng panghihinayang, kung nagising sana siya nang mas maaga nakasama sana siya. Pabalik na kaya sila? Sana hinintay siyang magising ni Hunter..

"Kaninong skateboard ginamit ni Hunter?"

"Kay Sarih, madami siyang deck kaya don't stress yourself dahil naiwan ka, pwede naman tayong sumunod kung gusto mo."

Ayan na naman siya ang bait na naman niya.. "Ah hindi baka pabalik narin sila.." Am I that obvious? Parang napakatransparent ko naman kay Vincent

"Or we can wait for them here while watching a movie?" Nakangiting anyaya sa kaniya ni Vincent, napakaamo talaga ng mukha nito, sino ba namang hindi papayag?

"Vincent?! You came back!" napalingon sila pareho sa nagsalitang babae, isang napakagandang babae.

SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon