- RAVEN'S POV -
Tinabig ko kamay ni Julia na akmang pipigilan niya ko sa pag-alis.
"Raven, we need to talk about our engagement first! Kung sino man ang babaeng 'yon, I'll make sure na hindi na siya makakalapit sayo!"
"Shut up!" Galit ko sabi sa kaniya dahil naiinis na ko na panay ang banggit niya ng engagement. "Do what you want, but remember this, once you touch her I'll make your life living hell, Julia. You can't force me."
Hunalukipkip siya. "Bakit? Sa tingin mo susugurin ko siya para sabunutan? Well, I'm not like that, ayokong masaktan ang mga kamay ko. Malay mo makipagfriends pa ko sa kaniya." She said then walked out.
Umigting ang aking panga kasabay ng pagyukom ng aking kamao. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano ni Julia para ilayo niya si Sophia sa akin, and I think I should guard my love.
I get out of my office then while I'm walking I dialed Sophia's number, gladly she answered dahil alam ko na oras na ng uwian nila ni Emily sa school.
"Sophia.."
"Napatawag ka?" Malambing niyang pagkasabi.
"I'll fetch you, wait for me there, okay?"
"Bahala ka.."
Pagdating ko sa basement ay agad na kong sumakay sa kotse ko and I started the engine. I just can't wait to see her again, kahapon kasi ay naging busy ako at ngayon ay gusto kong bumawi sa kaniya.
After few minutes, nakarating na ko sa tapat ng university nila at sa di kalayuan ay agad ko na siyang nakita nakatayo sa labas ng gate kasama si Emily.
Paglabas ko ng kotse ay sakto ang palingon nila sa akin, so I took off my shades and smiled at them.
"Kyaah! Lalong gumagwapo si Kuya kapag in love." Sabi ni Emily na kinikilig. Si Sophia naman na walang imik at hindi makatingin ng deretsyo sa akin.
"Sumabay ka na sa amin, Em.."
She shook her head. "Nah.. I just wait for my driver, Kuya. Kayo na ni Ate Sophie ang mauna and I'm pretty sure may date pa kayong pupuntahan. Yiie!"
"You sure?"
"Yep!"
I looked at Sophia at saka ako lumapit sa kaniya to held her hand. "Shall we?"
She didn't response pero bago kami umalis ay nagpaalam na muna siya kay Emily. Then finally, sumama na rin siya sa akin at sumakay na sa kotse.
- SOPHIA'S POV -
"Saan ang punta natin?" Tanong ko kay Raven habang abala siya sa pagmamaneho.
"Sa bahay ko.." Kaswal niyang sagot, saka bumaba ang tingin ko nang abutin niya ang kaliwang kamay ko.
Sa pagkakaalala ko isang beses palang ako nakarating sa bahay niya noong lasing ako.
"Anong gagawin natin?"
Saglit siyang napalingon sa akin. "Just wait.. Kapag sinabi ko sayo baka hindi nasurprise." Aniya sabay ngiti.
Napakurap-kurap ang aking mata habang nakatitig sa kaniya. Sadyang hindi ako makapaniwala na seryoso talaga siya sa akin. Pero isa lang ang paulit-ulit na tinatanong ng utak ko.. Sino ba si Julia?
Nakalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay niya. Pagkababa namin ng sasakyan ay agad niyang hinawakan ang kamay ko upang sabay kaming pumasok sa loob.
"Ikaw lang talaga ang nakatira rito?" Tanong ko nang makapasok na kami sa loob ng bahay niya.
"Oo, ako lang." Tumingin siya sa akin pagkatapos niyang isinara ang pinto. Saka siya lumapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Si Monique palang unang babaeng pinapasok ko rito. Nauna man siya, pero sisiguraduhin ko na ikaw na panghuli at titira kasama ako." Aniya na titig na titig sa aking mga mata, sabay halik niya sa aking noo.
Tila gustong kumawala ng puso ko sabrang bilis ng tibok nito. Mabuti na lang nagagawa ko pang pigilan ang kilig ko.
"Wag ka munang magsalita ng ganiyan. Hindi natin hawak ang kapalaran. Wala pang kasiguraduhan kung ako nga para sa 'yo." Sabi ko sabay iwas ko ng tingin sa kaniya.
"I'll be faithful to you. Just trust me."
Napabugtong-hininga na lamang ako tapos ay iginaya niya ako patungo sa kusina at pinaupo sa high chair sa may counter bar.
"Magluluto ka?"
Bigla siyang ngumiti. "Ipapagluluto kita." Aniya sabay kindat.
Sa sinabi niyang iyon ay tila kinilig ako at hindi ko maiwasang maexcite, kaya nginitian ko na siya. "Sige nga, anong iluluto mo?"
"Its my specialty, just wait for it."
Tumango-tango na lamang ako at nilibot ang paningin ko sa paligid. Napansin ko na marami siyang kolektang mga mamahaling alak at sa tingin ko ay mula pa ang mga iyon sa ibang bansa.
"Mahilig kang mangolekta ng alak?"
"Yeah.. Mga brandy, vodka and whiskey ang mga alak na nakadisplay diyan and all of those are gift to me." Aniya habang nakatalikod sa akin dahil abala siya sa paghihiwa ng putahe.
"Ahh.."
Pagkaraan ng ilang minuto ay tapos na ang kaniyang macaroni pasta carbonara. Tamang-tama dahil gutom na ko. Pagkatapos niyang lagyan ng macaroni ang plato ko ay naupo na siya sa katabing high chair, saka siya nagsalin ng red wine sa wine glass.
"Taste it.." Aniya kaya tinikman ko na ang luto niya. "Is it good?"
"Oo.. Masarap.." Kaswal kong sagot.
"Parang ako?"
Kumunot bigla ang noo ko sa kaniya. "Ang manyak mo."
Humagikhik naman siya ng tawa. "I'm just kidding.. Well, thank you dahil nagustuhan mo. Let's eat.."
Napangiti na lamang ako ng pilit. Habang nasa kalaginaan kami sa pagkain ay muli siyang nagsalita.
"Wag ka munang magtrabaho ngayon."
Agad akong napalingon sa kaniya. "Huh?" Pagtataka ko.
"Day off mo, gusto kitang makasama ngayon."
Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta ako na ako maghuhugas ng pinakainan namin at siya naman ay mags-shower lang saglit. Nang matapos ako ay saktong may nagdoorbell kaya napalingon agad ako sa pintuan. Naglakad ako patungo roon pero hindi ko alam kung bubuksan ko ba o hindi.. Pabalik-balik na nga ang tingin ko sa pintuan at sa second floor ng hagdan, siguradong hindi pa tapos magshower si Raven.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. At sa pagbukas ko ay mahagya akong nagulat kung sino ngayon ang nandito, tapos siya ay kunot-noong pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
"You?"
Hindi ako makapagsalita. Bakit nandito si Julia?
#ChaTara08
BINABASA MO ANG
All Yours Are Mine [TGKS#2]
Storie d'amoreIsang di kilalang babae ang naka-One Night Stand ni Raven mula sa mga One Night Girl Models sa isang bar. And because of his addiction. Akala niya ay ang Ex-Girlfriend niyang si Monique ang katalik niya. After that, he awake without the girl beside...