Chapter 20 : Raven's Surprise

7K 184 2
                                    

- SOPHIA'S POV -

Madali akong nagpunta sa function hall dahil ako na lang nahuling waitress doon, hindi ko kasi namalayan ang oras dahil abala din ako sa paglilinis ng ilang kwarto dito hotel.


Pagdating ko ay marami ng bisita, ilan sa kanila ay nakasuot ng itim dahil iyon ang motif ng color ng isusuot ng mga inimbita ng debutant at puro kumikinang na crystal na ikinaganda ng paligid ng function hall.


Muli akong naglakad kung na saan nakapwesto ang buffet table dahil nakita ko roon si Hana at tinabihan na muna siya.


"Oh? Nandiyan ka na pala, mabuti na lang hindi pa nagsisimula."


Alam niya na kaklase ko ang magdidiwang ng kaarawan ngayon dahil nasabi ko sa kaniya.


Tumango na lamang ako bilang sagot, pero alam kong bakas sa mukha ko ang pagkalungkot. Kung sanang hindi dito ang hotel napagdadausan ng karaarawan ni Emily, edi sana nakabilang ako sa kaniyang kaarawan ngayon.


"Sophia?"


Napalingon ako bigla sa tumawag sa akin, at hindi na ko nabigla ng makilala ko siya dahil kaklase namin siya ni Emily. "Ikaw pala, Sheryl.."


"Are you working here?"


Hindi ba obvious? Tss..


"Oo.. Dito ako nagpaparttime."


"I thought your part of this celebration, di ba friends kayo ni Emily? Is she didn't invite you?"


Inimbita niya ako at masaya ako dahil pang 18th candles niya ako.


Magsasalita na sana ako nang biglang sumabat si Hana. "Excuse me, magsisimula na daw po ang celebration."


Umalis na rin si Sheryl, at salamat kay Hana. Naramdaman niyang inakbayan niya ako. "Ayos lang yan. May next birthday pa naman siya. Hindi man niya debut, pero pwede niyo pa ring ipagdiwang na kayo lang dalawa bilang magkaibigan."


Dahil sa kaniyang sinabi ay napilitan akong napangiti. "Sana nga lang ay makabawi ako." Pero may regalo naman ako para kay Emily, siguro ay after ng party ko na lang ipapaabot sa kaniya.


Pero napawi rin ang aking ngiti ng makita kong pumasok dito sa Hall si Raven na may kasamang babae, si Julia. Sinundan ko sila ng tingin. Tila may kumirot sa puso ko na hindi ko maintindihan. Nagseselos ba ko?


"Pakatitigan mo pa. Selos ka yata?" Sinimangutan ko nga si Hana dahil sa kaniyang mapang-asar na tingin at ngisi.


"Good Evening. Ladies and Gentlemen and especially to our young ladies and young gentlemen who are present to celebrate this special for the Walford and Juvillo family. Their baby, Emily Casey Juvillo is now a very fine young lady as she turns 18! Friends, let us all welcome our debutant  with our warm applause."


Lahat ng bisita ay nagsitayuan at nagpalakpakan nang bumaba na ng hagdan si Emily na tila isa siyang napakagandang prinsesa ngayon. Hindi ko alam pero napangiti na lamang ako ng palihim. Ang kaniyang daddy ang nag-escort sa kaniya.


Nagsalita ulit ang emcee, ako naman ay nagsimula na sa trabaho bilang server ngayong gabi. Minsan napapatingin ako sa gawi ni Emily. Nagsimula na ang 18th roses, hindi ko alam kung pang-ilan na lalaking nakasayaw niya. Bakas kay Emily ang saya sa kaniyang mukha.


"Sophia?"


Napatalon ako sa gulat nang makaharap ko ang tumawag sa akin, si Tanya kasama ang kaniyang asawang si Leo.


All Yours Are Mine [TGKS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon