Nagising si Jen dahil samalakas na alarm ng cellphone ni xander. Madali lang kasing magising si Jen kahit unting galaw, o ingay lang nagigising na siya kaagad.
Napansin niya na parang may mabigat sa beywang niya, nang lingunin niya ito ay nakita niya ang pinaka-gwapo sa balat ng lupa. Pinagkatitigan niya ang itsura ni Xander, napaka perpekto nun na akala mo ba ay parang biyayang galing sa langit. Hindi niya inakala na may ganitong lalaki sa mundo.
Hinaplos ko ang pisngi nito, ang kilay nito, ang buhok, ang ilong at ang labi.
"Perfect." Bulong niya dito.
"Thank you." Ang kaninang medyo pikit na mata ni jen ay unti unting nanlalaki dahil sa gulat.
Napabalikwas ako ng bangon ng mapagtanto ko na nakangiti ng bongga ang mokong at sumisipol pa ito, habang ang kamay nito ay naka-suporta sa ulo niya.
"You're so beautiful, sweetheart. I'm horny." Anito. Tiningnan ko ang buong katawan ko at laking gulat ko na lang na wala nga pala akong saplot daahil sa ginawa namin ni Xander kanina. Agad akong dinapuan ng hiya kaya hinablot ko ka-agad ang kumot para pantakip sa hubad kong katawan.
"Ba't mo tinakpan?!" Tanong nito.
Inirapan ko lang ito, at dahan dahang kinukuha ang boxer shorts, at polo ni xander para suotin, hindi ko mahanap kung nasaan yung mga damit ko.
Nang matapos magbihis ni jen ay nag-paalam ito na pupunta ng kusina para magluto ng kakainin nila. Pero hindi pa nahahawakan ni Jen ang doorknob ay bigla na itong tinawag ni Xander.
"Nasa first floor, turn right may makikita ka dung pinto dun na ang kusina. Susunod ako, magbibihis lang ako." Tumango lang ako dito. At tuluyan ng lumabas sa kwarto.
Hindi mapigilan ni Jen na humanga sa laki at gara ng bahay ni Xander.
"Siya lang ba ang mag-isa dito?" Bulong niya sa sarili.
"Wow, kahit yung ref puno ng mga pagkain."
Ang balak sana ni Jen ay magluto na lang ng adobo, pero parang lagi naman nangyayari yun sa mga story na yung babae ay magluluto ng adobo para kainin nung lalaki, ibahin ko na lang. Hmmmm. Tinolang manok, namimiss niya na ding kumain ng tinolang manok.
Kukunin ko na sana ang mga manok sa fridge ng may mahagip akong kakaiba. In-open ko yung monitor at pagkatapos ay pumili ng kanta na patutugtugin. Nalaman ko ka-agad na ganito ang gagawin kasi meron ding ganito sa pinagtata-trabahuan ko.
Habang hinahalo ko na ang mga sangkap ng Tinola ay biglang may yumapos sa akin sa likod. Alam ko ka-agad si Xander yun hindi dahil siya lang ang lalaki dito kundi dahil bigla bigla na lang tumibok ng mabilis yung puso ko. Korni pero ganon naman talaga eh, yun yung palatandaan mo na malapit lang yung taong mahal mo o crush mo.
"Ang bango naman niyan." Anito. Nagsimula itong halikan ang leeg ko.
"Xander, stop nagluluto ako." Sabi ko.
"I know." Humiwalay ito ng yakap at pinaharap ako dito. "Sinusulit ko lang yung mga araw na kasama kita, kasi bukas magiging busy na ako." Dugtong pa nito.
"Alam ko na yun. Ilang beses mo na sinabi sa akin yun nung nasa helicopter tayo." Kahit malungkot na mawawalay ako panandalian dito, pero hindi ko itatangi sa sarili ko na mami-miss ko ito.
"I'm sorry, sweetheart." Niyakap ako nito at ibinaon ang ulo nito sa leeg ko.
"Bakit ka ba nagso-sorry?" Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mga mata. Kahit naiilang ako sa pagkakatitig nito ay sinalubong ko pa din.
BINABASA MO ANG
BASTARD SERIES 1: Alexander Lincoln - COMPLETED
Non-FictionALEXANDER LINCOLN is a bastard and also a jerk. He always get what he wants... one way or another. He would blackmail, threaten, and pay someone to get what he wants. His employees call him Adolf Hitler, his ex-lovers call him jerk and some busines...