Chapter 22

6.3K 139 5
                                    

HALOS mag-iisang linggo na ang nakakaraan ng dumalaw kami sa probinsya namin, isang linggo na din ang lumipas ng sabihin ni itay na gusto nito si xander para sa akin. Hindi ko alam kung paano nangyari yun.

Bigla akong natauhan ng magring ang cellphone at kaagad din namang sinagot ng makita kung sino iyon.

"Hello sweetheart?" Sabi ni xander sa kabilang linya.

"Oh, napatawag ka?"

"Tapos na yung board meeting namin, kumain ka na ba?" Anito.

"Hindi pa, kakain pa lang. Ikaw?"

"Pumunta ka sa opisina ko sabay tayong kumain." Kahit nasa kabilang linya itong taong hindi pa din pumapalya ang pagpintig ng puso ko. He really knows how to make my heart beats fast.

"Sigesige." Binaba na nito ang cellphone at ako naman ay pasimpleng napahawak sa dibdib ko kung na saan yung puso ko na kanina pa tumitibok. Ugh! Alexander.

Pa-akyat na sana ako sa kwarto ng biglang may nag-doorbell. Bago ko ito buksan ay tiningnan ko muna ito sa monitor kung saan makikita mo kung sino yung mga tao sa labas. Nang mapasino yun ay agad kung binuksan ang pinto para sa KANILA.

"Hii Mrs. Lincoln." kung hindi ako nagkakamali si Giordano iyon. Kung titingnan mo sa buong barkada ni xander, si giordano ang pinaka maingay at pinaka makulit sa kanila. 

"Hello."  Bati ko rin sa kanila.

"Wag ka ng umalis, tinawagan na namin si xander na dito na lang kayo kumain makikisabay kami sa inyo.. Pumayag naman siya." At kung hindi ulit ako nagkakamali si Maxton yun.

"Ah ganon ba. Sige ako na lang ang magluluto, mag antay na lang kayo sa sala." Aakmang aalis na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Wait lang, jen. Mapapatay kami ni xander kapag nalaman niya na pinahirapan ka namin kaya tutulong na din kami." sabi ni Giovanni. At mabilis pa sa alas kwatro ang pag daan nila sa akin at nagtungo itong mga to sa kusina.

"Matutulungan ba talaga nila ako?" Bulong ko.

"Marunong si Giovanni magluto kaya matutulungan ka nun, matutulungan din kita."  Halos atakihin ako ng kaba ng may magsalita sa gilid ko.

Ang ganda ng mga mata nito, tumitingkad ang kulay asul na mata nito. At ang buhok nitong maganda ang pagkaka-waivy, all in all napaka ganda niya.

"Ako nga pala si Penelope Tuazon, kaibigan ni Giovanni" Sabay lahad ng kamay nito.

"Jenelyn De Guzman, Girlfriend ni Alexander."
Tinangap ko ang kamay nito. Dyusko na hiya naman yung kutis ng katawan ko dito.

Nang mapansin kong may babae pang nakasunod dito, at ang mukha nito ay hindi mo na mapinta pero hindi hadlang yung para matakpan ang kagandahan nito.

"Hello My name is Jenelyn De Guzman girlfriend ni  Alexander. What's your name, by the way?" Tanong ko rito.

"Ara Moretti" Sabi nito. At biglang umalis.

Kanino naman siya kaibigan? Hmm.

"ANO BA NA MAN yan, umalis na nga lang kayo dito!" Si Giovanni ang sumigaw. Paano ba naman kasi hindi kami makakilos tatlo dahil Sampo silang nagsiksikan sa kusina.

"Chill, Giov. Chill." Sabi ni Giordano.

Kung hindi lang ito mga bilyonaryo sinikmurahan ko na ito kanina pa.

"Sige na, dun na lang kayo sa sala. An-- Ay dyusko. Mantika yang pinanghuhugas mo." Sigiaw ni Penelope.

Pero sadyang makulit talaga ang mga ito. Dyusme paano ba ito paaalisin sa kusina?

Nang makaisip ako ng idea, ay agad kong dinukot yung cellphone ko at kunyari tinawagan si xander.

"Hello xander. Yu---" Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ko ng biglang nagsialisan ang mga makukulit na barkada ni xander.

"Para akong nag-alaga ng sampong baby." Sabi ni Penelope.

Hinugasan ko na ang baboy at manok, at si penelope naman ay nag-aasikaso sa pagma-marinate sa tabi ko.

"Baby paki-abot naman nung kutsilyo please." Sabi ni Giovanni.

Agad kong nabitiwan ang baboy na hinuhugasan ko ng marinig ko ang pagtawag na 'baby' ni Giovanna. Hindi naman ako nagulat, kinilig lang ako. Bagay kasi sila.

"E kung kunin ko kaya yung kutsilyo at itusok diyan sa bunganga mo." Pagtataray ni Penelope.

Spell niyo nga yung Third Party.

"Where's my sweetheart?" Umalingawngaw sa buong kabahayan ang pagtawag ni xander sa akin na sweetheart. At ang puso ko naman ay agad na nag-react.

Pumasok si xander sa kusina na may ngiti sa labi, at saka ginawaran ako ng halik.

"Sorry, sweetheart naabala ka namin." Sabi nito.

"No, it's okay." sabi ko.

"Hi bro." Bungad ni Giovanni. "Alexander this is Penelope, baby this is alexander." Agad agad na nanlaki ang mga mata naming tatlo. Myghad! Kinikilig naman ako. Haha.

"Hi, nice to meet you. Wait lang kukuha lang ako ng kutsilyo." Sabi ni penelope.

Agad naman na tumakbo si Giovanni, dahil alam na niya siguro na hahabulin siya nito.

"They look good together." Sabi ko.

"Yea. Halatag may gusto si Giovanni." Sabi ko. "By the way, gusto mo tulungan na kita?"

"No, sige na pumunta ka na dun ngayon na lang kayo nakapag bonding ng mga tropa mo eh." Sabi ko.

"Sige. Tawagin mo ko kapag pagod ka na." Anito sabay ginawaran ako ng halik sa pisngi. At umalis.

At ako naman ay naiwan katabi ng baboy habang kinikilig.

"MGA BRO! kailangan ko ng tulong niyo." Sabi ko sa mga barkada ko.

"Ano ba yun?" Sabi ni Mcneal.

"Tulungan niyo kong magpropose kay Jen."

Ang kanina pang nagaaway na si Hessandro at Ara ay biglang napatingin sa gawi ko.

"Wait lang, bro. Paki-ulit nga." Sabi ni Harris.

"Tulungan niyo kong magpropose ng kasal kay Jen." Sabi ko.

"Leave it to us, bro." Sabi ni Gabrielle.

"Yea. Kahit nakakagulat pero hayaan mo na kami ang magplano. Kaya chill ka na muna." It was Theodore who's speaking.

"Thank you talaga. Pero siguraduhin niyong maganda yan ah. Uupakan ko talaga kayo isa isa." Sabi ko.

"Oo naman, kami pa." -Louis.

Wait for me Jen. Wait for me. Ngayong pumayag na ang buong pamilya mo. At ang Pamilya ko. Kasal na lang kulang. 

Kahit hindi mo man nakita in person ang buong pamilya ko, sigurado akong makikita mo sila sa araw ng kasal natin.

Wait for it.

Mission: Alexander Proposal.

Authors Note:

Kinakabahan talaga ako sa chapter na 'to. Sorry kung maiksi lang, tiniis ko lang talaga na makapag-update kahit masakit yung mata ko. Kaya sorry.

BASTARD SERIES 1: Alexander Lincoln - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon