Chapter 16

6.8K 176 5
                                    

PIGIL ang hinga ni xander habang kausap si harris. Hindi niya magawang kumurap, lahat ng pangarap ko kasama si jen para bang nasira yun agad agad.

"Sorry, bro." Sabi nito sabay tapik ng braso ko. "Kung kailangan mo ng tulong andito lang kami, kaming mga barkada mo. Wag kang mahihiyang humingi ng tulong. Sige mauuna na ako sa loob."

Hindi pa din nagsi-sink in sa utak ko lahat ng sinabi ni Harris.

"Bro... ahm... ano k-kasi..." utal utal na sabi ni Harris.

"Go. Tell me. Si jen nag-aantay na sa loob baka ma-out of place yun dun."

Malungkot itong tumingin sa akin.

"Buntis si olivia." Sabi nito.

"O tapos?" Tanong ko.

"Ikaw yung ama." 

Nakatulala lang ako sa tubig habang iniisip pa din yung sinabi sa akin ni Harris. Ba't ngayon pa? Kung kailan masaya na kami? Masaya na ako kasama ng taong mahal ko.

"Ang seryoso naman ata niyang iniisip mo. Mind telling me?" Dun lang ako natauhan ng marinig ko ang boses ni Jen sa likuran ko.

Agad ko itong nilapitan at yinakap ng pagkahigpit higpit. Agad ko namang naramdaman ang paglapat ng mga kamay nito sa likuran ko.

"Okay ka lang?" Anito. Humiwalay ako sa pagkakayakap at hinalikan ito sa labi. Gusto kong sabihin dito ang totoo, pero natatakot ako. "Sabihin mo? May problema ka ba?"

"W-wala. Tara uwi na tayo." Sabi ko dito. Wala na akong gana makipagusap sa mga tropa ko ngayon. Gusto kong pumatay ng tao, fuck?! Paano na yung sweetheart ko?

HABANG bumibyahe kami papuntang bahay ko iniisip ko pa din ang sinabi sa akin ni Harris.

"Buntis si olivia, ikaw ang ama."

"Buntis si olivia, ikaw ang ama."

"Buntis si olivia, ikaw ang ama."

Naputol ang katahimikan ng magsalita si Jen.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong nito. Kinuha ko ang kamay nito at hinalikan ang likod nun. Hindi ako ganito kasweet pero para sa taong mahal ko tumitiklop ako. Ewan ko ba? Anong gayuma kaya ang pinainom sa akin ni Jen?

Nang makarating kami sa bahay nagulat ako ng mapansing bukas ang ilaw sa buong kabahayang. Binalot ako ng kaba na baka may magnanakaw sa loob pero agad din namang nawala ng mapansin ko ang audi na sasakyan na sigurado akong kay Olivia. Pero hindi lang yun ang nasa isip ko baka nandito ito dito sa bahay ko para sabihin sa akin na nagdadalang tao ito at ako ang ama.

Halos hindi ako makagalaw sa isiping baka malaman ni Jen ang totoo hindi pa ako handa na sabihin dito, hindi pa ako handa na layuan ako nito. Nangako ako dito na gagawin ko ang lahat makamit ko lang ang 'I love you too." Niya.

"Tara na sa loob. Magluluto ako, nagugutom na ako." Aakmang tatalikod ito sa akon pero hinila ko ito paharap sa akin.

"Sa labas na lang tayo kumain." Sabi ko.

"Pe--" hindi na nito natapos ang sasabihin nito.

"Oh! Andiyan na pala kayo." Unti unting nanlalaki ang mata ko, halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit ba kasi hindi ako nagiingat! Tangina lang xander! 

Natauhan ako ng magring ang cellphone ko. Dinukot ko sa bulsa yun at nakita kung sino ang tumatawag.

Catherine Calling...

BASTARD SERIES 1: Alexander Lincoln - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon