Chapter 11

8.5K 225 8
                                    


HINDI alam ni alexander kung ano ang gagawin niya sa mga itlog na nasayang at nalaglag sa sahig. All in all napaka dumi ng buong kusina, sabi nung rini-search ko sa google madali lang DAW ang pagluto ng Itlog at hotdog. Pero bakit ang hirap? 

"Ugh! Fuck!" Hawak hawak ko na ang takip ng kaserole pero natatalsikan pa din ako ng mantika.

"Bakit ba kasi ganito 'to? Bakit ka ba tumatals-- ahhh! FUCK!" 

Gusto ko ng itapon yung kawali sa sobrang inis ko. Pero hindi ako susuko, kailangan ako naman ang magluluto ng kakainin namin ni jen. Kahit sa simpleng pagluto lang mapasaya ko siya. 

Natigilan ako sa paghuhugas ng kamay ko na natalsikan ng mantika ng marinig ko ang mumunting tawa na nanggagaling sa labas ng pintuan. 

"Anong nangyari dito?" Anito. Gusto kong kainin na ako ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi naman kasi talaga ako marunong magluto, first time ko nga magluto pero para kay jen sige isasantabi ko na muna yun. "Ano bang niluluto mo?" 

"Egg and Hotdog" Tumaas ang kilay nito. 

"Egg and hotdog? Tapos ganito ka kalat ang buong kusina?" Bakas na ang irita sa boses nito. Ugh! Galit ba ito sa katangahan ko? Gusto kong kutusan ang sarili ko, ba't ba kasi hindi ako marunong magluto? Magpapaturo talaga ako nito kay Louis paguwi ko ng paguwi sa Manila. 

Yumuko na lang sa sobrang kahihiyan! Bakit ko ba kasi naisipan na magluto?! 

"Sorry." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagso-sorry dito? E wala naman akong ginawang masama. The fuck?! Ganito ba talaga kapag may gusto kang isang tao? Ayaw mong mapahiya sa harapan nila? 

"Fine!" Lumapit ito sa akin at inagaw ang Spatula. "Ako na ang magluluto. Puwede mo naman kasi akong gisingin sa taas kung nagugutom ka na, hindi yung magluluto ka lang mag-isa mo. Remember, Alexander i'm your Personal Assistant this is my job. To serve you." Tumango lang ako. At aakmang tatalikod na para pumunta sa kusina ng biglang nagsalita ulit si jen. 

"Wait!" Hinarap ko ito. Madaya itong isang 'to. Kagigising lang pero maganda pa din. Haynaku! "Iiwan mo itong kalat?" Kumunot ang noo ko. "Ikaw ang nagluto kanina, at nagdumi ng kusina kaya linisin mo ito." 

Lalong lumalim ang gatla sa noo ko. What the fuck? Tama ba yung narinig ko? Lumapit ito sa akin at hinimas ang noo ko na ngayon ay nakakakunot pa din. 

"Wag kang sumimangot, hindi bagay sayo." anito

"Per-" hindi ko tinapos ang sasabihin ko bagkus ay kumilos na ako sa agad agad. Kinuha ang map at walis para linisin ang nagkalat sa lapag. Ayaw kong tinataasan ako ng kilay ni jen. Natatakot ako, feeling ko iiwan ako nito. 

"I can't believe this." bulong ko sa isip ko. 

"May sinasabi ka?" Tanong nito. Agad naman akong tumingala dito at ginawaran ng ngiti at kindat. 

"Nothing, sweetheart. Sabi ko ang ganda mo ngayon." 

"I know." 

"GOD! Nabusog ako. Thank you." Sabi nito. Habang nakahawak pa sa tiyan niya. Ba't ganito ba ito? Kahit ganyan ang aksiyon niya at paggalaw ang gwapo pa din. Katulad kanina. Halos mawalan ako ng hininga nung sinabi niyang.

  "Nothing, sweetheart. Sabi ko ang ganda mo ngayon."  Tapos lalo pang natangal yung puso ko ng kindatan ako nito. Ano bang ginagawa mo sa akin, xander? 

"Stop eye-rapping me, sweetheart. Baka sa iba tayo mapunta, at dito natin gawin yun." Inirapan ko lang ito sa kabastusan ng bunganga nito. "Sorry nga pala kanina , tina-try ko talagang magluto para sayo kasi ikaw na lagi ang nagluluto ng pagkain natin. Nag-search din ako sa google kung ano ang madaling lutuin sabi dun, Egg and Hotdog." Sumimangot ito. At hindi ko alam kung saan pupulutin ang puso ko na kanina pang kumakabog kabog. 

BASTARD SERIES 1: Alexander Lincoln - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon